Chapter 39

251 11 0
                                    

Chapter 39





"Saan kayo galing?" tanong ni Nica nang makabalik kami sa table namin.

"Somwhere." sagot ko.

"Saan makikita 'yang somwhere na 'yan?" ngumiwi si Clara, "Bigla-bigla kayong nawawala, tinatakasan nyo ang grasya." inabutan nya kami ni Kade ng alak.

Natatawa ko iyong ininom, halos masira ang mukha ko sa lasa non. Napaindak ako sa ganda ng beat, tapos nang tumugtog ang banda kanina. Talagang magdamagan na ang party na ito, napakarami nang lasing sa paligid. Wala namang gulo dahil nagkalat ang mga bouncer sa paligid.

Hindi na inalis ni Kade ang kamay sa bewang ko. Nakangiti naming kinawayan ang Aero Team na walang sawang nagse-serve sa mga naroon. Sa nakikita ko ay maganda ang ginagawa ng Aero Team ngayon, halos lahat kase ay kumikilos. Ang ilan sa RP Team ay halos hindi ko na makita, puro uniforms nalang ng Aero Club ang natatanaw ko sa paligid. Napailing nalang ako. Dumating rin sa table namin ang mga pagkain, sa plato nito ay galing ito sa team namin, walang alinlangan namin iyong kinain.

"Ang saraaaap!" papuri ni Clara, "Ayos talagang magluto ang mga chef ng Aero Club, grabe."

"Thanks." ani Kade saka ako sinuboan, natawa nalang ako, "Masarap, 'diba?"

"Masarap..." napatango ako.

Ngumiti sya saka pinunasan ang ano mang nasa gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki nya, nagulat pa ako ng idiretso nya ang hinlalaki sa bibig nya saka sya sumubo ng pagkain na parang walang nangyari. Sa simpleng bagay na 'yon ay halos mamula na naman ako. Lumingon nalang ako sa paligid, talagang nawiwili ang mga tao sa kasasayaw. Ngunit naagaw ng atensyon ko si Erin, hawa nya ang ulo habang nasa gitna ng dance floor. Nilingon ko ang mga kasama ko, abala sila sa paguusap, hindi na ako nagpaalam saka ako diretsong naglakad patungo kay Erin, nakapikit sya at mukhang may iniinda.

"Erin." sambit ko saka sya hinawakan sa balikat, "Ayos ka lang?"

"N-Nahihilo ako." nanlalamig ang mga kamay nya.

Agad ko syang inalalayan, nagpatulong ako sa isang bouncer upang akayin sya patungo sa tent namin. Nang makarating doon ay pinaupo ko sya sa upoan saka pinainom ng tubig. Hawak nya parin ang ulo habang pilit inaayos ang sarili, naupo ako sa harapan nya saka sya tiningnang mabuti, labis ang pamumutla nya.

"Noong nakaraan ay nahimatay ka..." sambit ko, "Pagkatapos non ay nanghina ka na... Ngayon naman ay nahihilo ka." tumingin sya sa akin, "Ayos ka lang ba?"

Nakita ko syang pangiliran ng luha, saka nya ito agad na pinunasan ng pumatak ang mga iyon, "I-I have... Leukemia." halos pumiyok sya.

Natigilan ako sa sinabi nya. Tinitigan ko muna sya, nagpatuloy sya sa pagpupunas ng mga luha na patuloy ring pumapatak mula sa mga mata nya. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Stage 2." lumunok sya.

"A-Alam ni Kade?"

"No."

Napako lang sa kanya ang paningin ko.

"K-Kailan pa ang sakit mo na 'yan?" tanong ko.

"The moment..." huminga sya ng malalim, "The moment I say no when he asked me to be his girlfriend, Leianna." muli syang umiyak, "That day nalaman ko, n-na may sakit ako."

Hindi ko na alam kung paano iaalis sa kanya ang tingin. Tila bumagal ang tibok ng puso ko. Kung ganon ay hindi talaga totoong binusted nya si Kade? Marahan akong nag-iwas ng tingin. Saka ako suminghap ng hangin, mariin akong napapikit saka ikinalma ang sarili.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon