Chapter 38
"Let's go party with DJ Kyle!" sigaw ng DJ kasabay ng malakas na beat.
Isa nga talagang engrandeng party ang mangyayari. Ang inaasahan ko kase ay long gowns, at nagga-mamahalang tuxedo. Ang suot ng mga business personalities na narito ay pang sabay sa uso, mayroong naka fit na dress, iyong backless, ang mga may katandaan na ay iyong mga sinaunang dress ngunit napaka sexy paring tingnan. Pumwesto kami nila Clara at Nica kasama ang tatlong Barbarians sa lamesa na hindi gaanong malapit sa mini stage kung nasaan ang banda, hindi pa tumutugtog ang mga ito at iyon ang hinihintay namin. Si Kade ay nasa tent namin, dumating kase si Clinton kasama ang Daddy nila.
"Pareh! Pareh!" sigaw ni Clara na pina slang pa ang salitang party.
"Grabe, ang saya!" ani Nica.
"Wohoooo!" sigaw ni Dave, "Ang daming sisiw!" natatawang sigaw nya.
Nagtawanan kami, paniguradong mga babae ang tinutukoy nya. Talaga kaseng napakaraming magaganda at sexy na nagkalat sa buong lugar, mga anak siguro ng mga company owners na dumalo. Nakikita na namin ang mga waiter at waitress ng Aero Team, napakaganda ng ngiti nila sa bawat kukuha mg drinks sa tray nila. Tinanaw ko rin iyong bar na pinagpu-pwestuhan ni Jeremy kasama nang dalawa nya pang co-bartenders, napakagaling nila sa ginagawang paghahagis-hagus ng baso sa ere. Hindi ko alam kung required ba talaga ang ganoong talent bago maging bartender, pero good points 'yon kay Jeremy dahil mukhang napakaraming humahanga sa ginagawa nya.
"Awwww!" daing ng lahat nang huminto ang music.
"Let's welcome... The Fourest!" sigaw ng isang lalaki.
Doon lumabas ang apat na lalaki sa stage, mukhang iyon ang pangalan ng banda nila. Napaka angas nila sa iba't-ibang kulay ng tshirt na suot nila. Doon rin lumabas ang isang babae na nakasuot ng kulay blue na tshirt. Mukhang ito ang kakanta, nakita ko pang yumakap sya doon sa naka orange na lalaki saka ikinundisyon ang mic.
"Yooowwwn!" sigawan ng lahat.
"Bring it oooon!"
"Eeeyyyy!"
Nagsimulang tumugtog ang banda. Nakangiti naman akong naki wave sa mga taong nandoon, pati sila Clara ay marahan ang paglilipat-lipat ng galaw pakaliwa at kanan. Pamilyar sa akin ang music, ngunit hindi ko matukoy. Nakangiti ako habang nakapikit, intro palang ay napakagaling na at napakalinis.
Di ko na kailangan pang ulit- ulitin na.
ikaw ang laging naroon sa puso't isip ko.
"Yeaaaaah!" sigawan ng iba.
"Ikaw ang laging naroonnnn! Ikaw! Ikaw!" sigawan ng mga lasing.
"Huhuhuhu." iyakan ng mga naki-valentines party pero sawi.
sa bawat sandali, naaalala ka.
at di magagawang limutin ang katulad mo...
Nakita ko si Kade na naglalakad habang parang hinahanap kami. Paulit-ulit sya sa paglingon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, napakalungkot, napakasakit, wala akong mahitang sagot sa katatanong ko sa sarili kung ano ang ibig sabihin ng ganitong pakiramdam.
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.