Chapter 42

248 16 0
                                    

Chapter 42




Kinabukasan ay muli kaming nagsama-sama sa kusina. Napagdesisyonan naming kami na ang magluto ng mga kakainin namin. Si Nica ang nakatoka sa umagahan. Kabado pa sya dahil hindi sya marunong magluto ngunit napilitan. Nakaupo na kami sa lamesa habang hinihintay ang niluluto ni Nica. Nang mabitbit nya ang niluto nyang tinolang manok ay kabado nya itong inilapag sa lamesa.

"What's with that look?" tanong ni Bryle sa kanya.

"Doon nalang kaya tayo sa ibaba kumain? Hindi masarap 'yan eh." nagkamot sya ng ulo habang nakanguso.

"Honey, I know masarap 'to." ngumiti sya saka kumuha ng serving spoon.

Magkatabi kami ni Kade. Habang nasa kabila ko si Dave na kasunod si Bryle at Nica. Si Khent at Clara naman ay nasa harapan namin. Kumuha na kami ng maliit na bowl saka naglagay doon, kinuha ko ang kutsara saka sumandok ng kaunti doon. Nang malasahan ko iyon ay agad akong natigilan, nilingon ko si Kade, parehas kami ng reaksyon. Pinilit ko itong lunokin saka ako nagangat ng tingin kay Nica na ngayon ay pinapanood na ang mga ekspresyon namin. Ang alat...

Nakita pa naming masira ang mukha ni Dave nang tikman iyon ngunit siniko sya ni Bryle sa tagiliran dahilan upang maubo sya. Saka ngumiti at tumingin kay Nica. Sina Khent at Clara naman ay pilit nilunok ang sabaw non, talagang maalat.

"Oh 'diba? Hindi nga masarap." ngumuso si Nica.

"N-No, masarap naman." pagsisinungaling ko.

"Masarap 'diba?" nilingon ko si Kade.

Hindi sya sunagot kaya pinandilatan ko sya ng mata. Pilit naman syang ngumiti saka nilingon si Nica. Tumango sya saka pasimpleng umubo para matanggal ang alat sa lalamunan.

"It's tasty." sagot ni Kade.

Nakita ko pang siniko ulit ni Bryle si Dave. Kakanga-kanga namang natawa si Dave saka itinuro ang sabaw, mariin pa syang lumunok bago magsalita.

"Lasang-lasa ko yung asin." aniya.

Sabay-sabay naming pinandilitan ng mata si Dave, nagtataka nya naman kaming nilingon. Napailing nalang ako saka muling nagbalik ng tingin sa sabaw, tiningnan ko pa ang manok nito na halatang overcooked na.

"A-Ah, masarap naman sya, medyo sumobra lang sa asin, Honey." ani Bryle saka pinilit na humigop ulit ng sabaw.

"Honey alam kong hindi masarap." ngumiti si Nica, talagang tanggap ang katotohanan, "Sabi kase sa inyo sa baba nalang tayo kumain." ngiwi nya saka sumandal sa upoan.

"You want to enter cooking lessons?" tanong ni Bryle.

"Matututo rin ako, 'wag na tayong gumastos." natawa si Nica, "Ano? Kain tayo sa baba?"

"No, I'll cook for us." tumayo si Dave.

Ngunit agad lang rin syang hinila paupo ni Bryle dahilan para muling mapaupo si Dave. Nagkasamaan pa sila ng tingin. Tahimik kaming natawa.

"What?"

"Pinaglalaruan mo lang ang pagkain kapag nagluluto ka."

"What? No. I can cook."

"That's a big lie." sabat ni Kade, "Ako na ang magluluto." saka sya tumayo.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon