Chapter 30

280 14 0
                                    

Chapter 30


"Saka alam mo ba? After 2 months ay ikakasal na kami ni Khent! I'm so excited, bessybitch!"

Hindi ko parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ang pagaalala sa mga mata ni Kade, kung paano nya ako iwan nang biglaan. Kung tutuosin ay hindi ako dapat magalit dahil don, normal lang 'yon, normal lang na magalala sya sa kasosyo nya sa negosyo lalo pa't may pinagsamahan rin sila. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib, hindi ko maiwasang malungkot. Bakit ganito ang pakiramdam ko?

"Tapos iyong theme ng kasak is purple! Syempre dapat purple kase favorite ko 'yon! At saka sabi ni Khent, sasayawan nya daw ako ng Blood Sweat and Tears ng BTS sa reception ng kasal!"

Nasa hospital sina Kade ngayon. Lumipas na ang dalawang oras at hindi parin sya bumabalik. Nagaalala ako sa lagay ni Miss Erin, totoo. Pero hindi ko rin maiwasang matakot na baka sa puntong ito, ako na naman ang talo, talo na naman ako. Sa kwento kanina ni Nica tungkol kay Kade at Miss Erin, labis ang nararamdaman ni Kade noon para rito, kaya hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung may nararamdaman parin sya kay Miss Erin hanggang ngayon? Pinigilan kong pangiliran ng luha.

"Yes, Claravien, talk to yourself."

Napalingon ako kay Clara nang sabihin nya 'yon. Matalim na ang tingin nya sa akin. Doon ko lang naalala na paulit-ulit nga pala sya sa pagsasalita kanina, paniguradong nagkukwento sya sa akin, ngunit ni isang salita sa mga sinabi nya ay wala akong naintindihan. Iyong talk to yourself lang ang narinig ko. Bumuntong hininga ako saka pilit ini-ahon ang sarili ko sa mga nakakalunod na isipin.

"Ayos ka lang?" tanong nya.

"Oo naman, ayos lang." ngumiti ako.

"Engk! it's a bluff!" ipinorma nya pang ekis ang dalawang braso, "Anong bumabagabag sayo?" seryoso nyang tanong.

"Wala nga." muli akong ngumiti, "Naisip ko lang ang Mommy at Daddy ko." pagsisinungaling ko.

"Nako, normal lang talaga ang mamiss mo sila, bessybitch. Miss ko na nga rin ang mga parents ko eh." malungkot na aniya, "By the way, asan si Kade?" tanong nya.

Ayon na ako at nag-iwas ng tingin. Napalunok pa ako sa pagiisip ng maisasagot. Kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling ulit ako. Hapon na at ganoon parin kalalim ang mga iniisip ko. Ikamamatay ko ang pago-overthink.

"N-Nasa ospital." pag-amin ko.

"Ha!?" bulalas nya, "Nako! Anong nangyari sa kanya? ha? ayos lang ba sya? ano? may sakit ba? cancer?ㅡ"

"Sira, hindi sya ang na-ospital, Clarita."

"Oh, eh, sino?"

"Si Miss Erin, nahimatay kanina."

"Oh, ano daw? buhay pa?"

Sinamaan ko ng tingin si Clara. Kahit pa naiinis rin ako sa mataray na ugali ni Miss Erin ay nagaalala parin ako. Siguradong nagtataray sya sa akin dahil sa malalim na dahilan. Muli akong bumuntong hininga saka nagbaba ng tingin. Naalala ko na naman si Kade. Iyong pagaalala nya kaninaㅡ  Ano ba! tama na nga eh!

"Para kang baliw na papikit-pikit dyan." dinig kong sabi ni Clara, "Huwag mong sabihin na nagaalala ka sa Erin DeGeneres na 'yon?" mataray nyang tanong.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon