Chapter 18
"Ang dami naman nito." isa-isa kong tiningnan ang mga pagkain sa lamesa ko.
"Just eat." inis nyang sabi.
Nailipat ko ang tingin sa kanya. Nakaupo sya sa harapan ko, nasa pagitan namin ang lamesa. Nakapatong ang dalawa nyang siko sa table habang naka-intertwine ang mga daliri nya sa magkabilang kamay at saka idinikit doon ang chin nya, sa ganoong posisyon ay diretso syang nakatingin sa akin. Tila balak nya pa akong panoorin hanggang sa matapos akong kumain. Baka pati pagkuha ko ng tinga ay panoorin nya?
"Kumain ka rin." anyaya ko, "Hindi ko mauubos 'to lahat." nagbaba ako ng tingin sa mga pagkain.
"Don't waste my time, Leianna. Kumain ka na." nauubosan ng pasensyang utos nya.
Hindi na ako nagsalita. Inuna kong lantakan iyong sisig na sobrang init pa. Napaksarap non lalo pa noong sabayan ko ng kanin. Saka ko tinikman ang lahat ng doon. Naramdaman ko na ang gutom lalo pa nang hindi na ako matigil sa pagsubo. Hindi ko na inisip na nanonood sa akin si Kade habang kumakain ako. Ang importante sa akin ay mabusog ako. Tapos ko na ang lahat ng ulam bagaman hindi ko nasimot. Agad kong kinuha ang fruitsalad na nasa harapan ni Kade, doon ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan sya.
Nakita ko syang nangingiti habang nakatingin sa akin. Naitikom nya ang bibig saka sumeryoso nang mapansing nakatingin na ako sa kanya. Ngumuso ako saka ko sya sinamaan ng tingin bago ako sumubo ng fruit salad.
"Bakit ka nakangiti dyan?" kunot noo kong tanong.
"I'm not." bahagya pa syang umiling.
"I'm not..." inulit ko ang sinabi nya sa nagdududang paraan, "Nakita ko 'yon!" pagpupumilit ko saka ako muling sumubo ng salad.
"Sa susunod, huwag ka nang magpagutom." bigla ay sumeryoso sya, "Masyado kang matakaw."
"What!?" mataray kong tanong.
Ngayon palang ako nasabihan na matakaw ako. Base sa marami ay maganda ang hugis ng katawan ko. Kaya hindi ko matanggap na sinabihan nya akong matakaw. Para nya narin akong sinabihang mataba. Nakakainis.
"What?" inosente nyang tanong, "You're matakaw, what's wrong with that?" seryoso nyang tanong.
"Hindi 'no!" angal ko, "Napakasama mo." ngumuso ako saka inubos na ang salad na kinakain ko.
Nakita ko pa syang nakangiti habang napapailing saka seryosong sinalubong ang tingin ko nang tumayo ako. Tumayo rin sya, nanguna na ako sa paglalakad saka sya sumunod. Hanggang sa makabalik kami sa mga kaibigan namin ay nakabusangot ako. Hindi nalang ito dahil sa sinabi ni Kade, naghalo-halo na ang inis ko. Inis dahil sa maingay na paligid, inis dahil sa sinabi ni Kade at inis dahil sa hindi ko malamang dahilan. Basta bigla nalang akong nainis.
"Oh? Bakit nakasimangot si darling?" tanong ni Dave kay Kade.
Hindi ko magawang matawa nang magtawanan sila. Magkakrus lang ang mga braso ko habang nakatingin sa mga taong nagsasayawan. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang inis na nararamdaman ko. Parang bigla ay naaalibadbaran ako sa lahat ng nangyayari sa paligid ko.
"Nyare sayo?" siniko ako ni Clara, "Tinotoyo ka dyan?"
Nilingon ko lang sya saka ako pasiring na nag-iwas ng tingin. Saglit pang tumama ang paningin ko kay Kade na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko na pinansin, pinanood ko nalang ang mga tao sa paligid ko na walang sawa sa pag-indak.
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomansaYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.