Chapter 32
Naimulat ko ang mga mata ko kinabukasan dahil sa ingay ng phone ko. Naramdaman ko pa ang kaunting kirot ng sentido ko bago ko kinuha ang phone, tumatawag si Clara.
"Hello?" malat pa ang boses ko.
"Bessybitch? Gising ka na ba?"
"Tulog pa yata ako o baka answering machine lang 'tong kausap mo." sarkastiko kong sabi, "Bakit ba? Aga-aga eh."
"Anong bakit ba? Bumangon ka na dyan! Anniversary namin ngayon ni Khent, magce-celebrate tayo sa bahay nya."
Akma na akong papayag nang maalala kong may pasok pa ako. Pero mukhang hindi ko pa gustong makita si Kade ngayon. Gusto ko munang palipasin ang galit at selos ko sa nangyari kahapon. Ayaw kong pilitin ang sarili kong makitungo ng maayos sa kanya kahit pa masama ang loob ko.
"Sige." pagpayag ko saka pinatay ang phone.
Makalipas ang ilang minuto ay bumangon narin ako sa higaan ko. Agad na akong naligo, makailang beses pa akong nagsipilyo dahil pakiramdam ko amoy alak parin ang bunganga ko, hindi ako nakuntento at makailang ulit pang nag gargle ng mouth wash. Pagkatapos ay saka na ako namili ng susuotin. Hindi naman siguro kailangang bongga ang suot dahil kami-kami lang naman. Sa huli ay plane white shirt at denim skirt ang isinuot ko, pinaresan ko rin iyon ng white shoes.
Nang makalabas ako ay hindi na ako nagabalang magluto ng agahan. Kumuha lang ako fresh milk saka sinipsip iyon hanggang sa makarating ako sa unit ni Clara. Saktong papalabas narin sya ng unit nya. Nakangiti nya akong sinalubong. Ayon na naman ang paglabas ng ganda nya dahil sa suot na purple dress habang nakalugay pa ang straight nyang buhok.
"Taralets?" anyaya nya.
Sa byahe patungo sa bahay ni Khent ay inalala ko parin iyong mga pangyayari kahapon. Kung paano ako naghintay kay Kade ng napakatagal, kung paano ako nabaliw kaiisip sa lahat ng bagay na bumabagabag sa isip ko. Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Khent ay ganon ang laman ng isip ko. Saka ko lang rin naisip na hindi ko na naman gamit ang sasakyan ko, pakiramdam ko tuloy ay hindi na ako marunong magmaneho.
"Yo, Ladies." bati ni Bryle sa amin nang makapasok kami.
Hindi na ako nagtaka kung bakit wala si Nica, natural ay nasa trabaho.
"Happy anniversary." bati ko nang makita ko si Khent.
Nagulat pa sya nang makita ako.
"Hindi ka pumasok?" tanong nya, "Hindi ba magagalit si Kade nyan?"
"Ayaw ko munang pumasok, gusto kong magpahinga kahit isang araw lang." ngumiti ako.
"Tayo tayo na naman ang magkakasama, nagsasawa na ako sa mukha ni Dave at Bryle." pangaasar ni Clara sa dalawa.
"The feeling is mutual." natatawang sambit ni Bryle, "Kung nandito lang si Nica ay baka may gana ako." aniya.
"Wala ka bang tinatagong babae dito sa bahay mo? give me one." tanong ni Dave kay Khent habang papalapit na sa lamesa.
"Ako lang ang babae ng fiancé ko 'no!" mataray na ani Clara, "'Di ba, bubby?"
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.