Chapter 29

293 15 0
                                    

Chapter 29




"Goodmorning." bati ko kay Kade nang makapasok ako sa office nya.

"Goodmorning, baby." ayon na naman ang napakaganda nyang ngiti.

Matamis akong napangiti habang papasok, pero natawa ako nang makita ko syang nakanguso sa akin. Natatawa pa ako habang nagtatakang napatingin sa kanya, nakita ko pang magsalubong ang mga kilay nya habang mukhang naiinip na.

"Ano 'yan?" natatawa kong tanong.

"Morning kiss, baby."

"Wow ah? kailangan pa ba non?"

Mas nagsalubong pa ang mga kilay nya dahil sa tanong ko. Napangiti nalang ako saka hinalikan sya sa noo, sa ilong hanggang sa labi. Nang bitawan ko sa pagkakahalik ang labi nya ay ganoon nalang katamis ang ngiti nya sa akin. Napasinghalnnalang ako sa natawa. Itinuloy nya ang ginagawa nang nakangiti parin, ako naman ay inilapag ang bag ko sa upoan sa harap nya saka inayos ang mga folders na nasa table nya. Inilagay ko lahat ng 'yon sa cabinet saka ako nagpunta sa closet upang ayosin ang ano mang pwedeng ayosin doon.

Nang makapasok ay inayos ko ang mga suit na hindi naayos sa pagkaka-hanger. Ngunit nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ko ang bagay na nahulog nang minsan akong magpunta dito. Napailing nalang ako saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Nang makalabas ako mula sa closet ay naroon na si Miss Erin. Ayon na naman ang ngiti nilang dalawa habng naguusap, may pagkakataon pang natatawa si Kade. Naalala ko tuloy iyong mga sinabi ni Miss Erin sa akin kagabi, nakaramdam ako ng hiya. Pinigilan ko nalang na makaramdam na naman ng lungkot, nakangiti akong nagpunta sa upoan ko, nakita ko pang maglipat ng tingin sa akin si Miss Erin, taas na naman ang kilay nya. Habang si Kade ay ayon at maganda na naman ang ngiti habang naglilipat ng tingin sa akin.

"She's still here, huh?" may bahid ng inis ang boses ni Miss Erin, "Napagalitan ka because of her, bakit hindi mo parin sya tinatanggalan ng trabaho?" ipinagkrus nito ang braso.

"Erin." awat ni Kade sa kanya, "Stop, okay?"

"I hate her, Kade. Bakit ba nandito parin sya?"

"Because I need her."

"No you don't. Alam kong hindi mo kailangan ng secretary, assistant or whatever."

"Once I said it, it's final." seryosong sambit ni Kade.

"Ewan ko sayo!"

Inis na napatayo si Miss Erin saka naglakad palabas ng pinto. Hindi ko naiwasang mapayuko nalang saka mailang sa sitwasyon. Ipinaalala na naman sa akin ng  babaeng 'yon ang kahihiyan na 'yon kahapon. Bumuntong hininga nalang ako saka nilingon si Kade. Nagaalala na ang tingin nya sa akin, pinilit ko nalang ngumiti bagaman mabigat na naman ang loob ko.

"I'm sorry for that." paumanhin nya.

"It's okay." mas ngumiti pa ako para matanggal ang pag-aalala nya, "I understand, kasalanan ko naman talaga."

"Shh, don't say that." hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa table, "Let's just forget it, okay? kumain ka na ba?"

Ngumiti nalang ako saka tumango. Na-guilty na naman ako bigla. Muli akong bumuntong hininga, nginitian ko si Kade nang tumitig ulit sya sa akin. Itinuloy nya ang ginagawa ngunit paulit-ulit parin akong sinusulyapan. Pinilit kong hindi magpahalata na nagugilty ako, inabala ko ang sarili ko sa pagce-cellphone. Gusto ko mang mainis sa inasta ni Miss Erin ay hindi ko magawa, alam kong boss ko rin sya kaya wala akong karapatang depensahan ang sarili ko pagdating sa mga desisyon nya.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon