Chapter 6
Naglalakad na kami paakyat sa ikalawang palapag ng bar. Doon makikita ang mga VIP tables at iyong mga matataas na uri ng tao, iyong mga nagpuna ng Bar dahil may importanteng paguusapan, o kaya naman may ka meet up para sa business at gusto iyong pagusapan habang umiinom. Open ang kisame ng 2nd floor ng Bar, pwede kang dumungaw anytime para tanawin ang mga tao na nagsasayawan sa dance floor. Kung ako ang taganongin ay may kamahalan nga siguro ang Bar na 'to.
Nakasunod lang ako kay Kade habang paakyat sya ng hagdan. Hanggang sa narating na namin ang 2nd floor, sinundan ko lang si Kade saan man sya magpunta, humahabol ako upang magpantay kami sa paglalakad. Sabi nya stay by his side eh.
Hanggang sa narating namin ang dulong bahagi. Naroon ang mas malaking mga couch, maging ang mas malawak na table sa harapan non. Tiningnan ko ang lahat ng nakaupo doon, puro mga entrepeneurs ang naroon. Grupo ng magkukumpare na lahat ay naka pornal, nagpapalakpakan rin ang peta sa bulsa. Sa naaalala ko ay Daddy ni Kade ang pupuntahan namin.
"Dad." yumakap si Kade sa isa sa mga iyon.
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang Daddy nya. Halatang gwapo ito noong kabataan dahil may itsura parin ito kahit matanda na. Maganda ang tindig nito at halatang tagumpay nga sa buhay. Sa tingin ko ay hindi mana si Kade sa Daddy nya, hindi kase mawala ang ngiti sa labi nito habang ipinapakilala si Kade sa kanyang mga kasosyo sa negosyo. Si Kade naman ay tipid na ngingiti, pagkatapos ay seseryoso ulit. Ang sarap tahiin ng bibig nya para lang mapanatili syang nakangiti buong araw.
"Dad, by the way..." nagulat ako nang hilain ako ni Kade palapit sa kanya, "This is Leianna, my personal assitant."
"Oh, is that so?" natutuwa nitong reaksyon, "It's really nice to meet you, Leianna, hija. You look so nice." papuri nya sa akin.
"Salamat po." matamis akong ngumiti.
"She's beautiful, Kade. Why don't you court her? you look so good together." sambit ng isa sa mga business man na kasama ng Daddy ni Kade.
Nilingon ko si Kade nang matawa sya habang napapayuko. Hindi ko maiwasang mapangiti, sa wakas ay nakita ko syang natawa ng ganito sa tabi ko. Nakakatuwa lang na makitang nakangiti ang mga kagaya nyang ubod ng seryoso, iyong akala mo ay malaki ang galit sa mundo. Bahagya pa akong natigilan nang lingonin nya ako, nananatili syang nakangiti.
"I'm courting her." sambit ni Kade habang nasa akin ang tingin.
Nagtawanan sa tuwa ang Daddy nya kasama ang mga kaibigan nito. Ako naman ay nakisabay nalang sa pagtawa nila bagaman nagugulat na sa ikinikilos ni Kade. Hindi ko maalis ang pagkailang at gulat ngunit pinilit kong sumabay sa agos ng kasiyahan nila, baka may plano lang si Kade kaya sasabayan ko. Nilingon ko si Kade at nakikitawa rin sya sa amin, pinigilan kong titigan sya ng matagal, kakaiba na ang pakiramdam ko, hindi na 'to maganda. It can't be.
"Sit down, both of you." anang Daddy ni Kade, "Let's enjoy." dagdag nito.
"You seem so proud of your son, Enrico." natutuwang sabi ng isa.
"Yes I am." sang ayon nito saka natutuwang nilingon si Kade, "He's really succesful now kahit pa minsan ko nang kinontra ang desisyon nyang magtayo ng isang Bar." kwento nito, "But look at him, he's a Man now. Nakakatuwang nagagawa nyang panindigan ang sarili nyang desisyon." dagdag nya saka tumungga ng alak.

BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.