Chapter 26

288 14 0
                                    

The places that I was mentioned here in Chapter 26 do exist. Nakakapagod gumawa-gawa ng lugar eh. Credits.

_______________________

Chapter 26





"You look nervous, are you okay?"

Bumalik ako sa katinuan nang marinig ang tanong na iyon ni Kade. Narito kami sa SM Valenzuela upang kumain sa isa sa mga kainan sa loob. Dahil sa pagkalutang ay hindi ko namamalayan na hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko. Agad naman akong sumubo at inayos ang sarili. Hindi ko alam kung bakit pero naapektuhan ako nang marinig ko ang pangalan ni Nathan. Alam kong wala na akong gusto sa kanya, wala na talaga. Hindi ko lang talaga maiwasang ma trauma sa tuwing maririnig ko ang pangalan nya.

"I'm okay." tipid kong sagot.

"Let's finish the food para makabalik na tayo sa opisina." ani Miss Erin na halos maubos na ang pagkain sa plato.

Ako ay heto at walang gana. Hindi ko magawang ngumuya kahit pa isang kutsarang pagkain na ang naisubo ko. Bigla akong nawalan ng lakas sa nalaman, lalo pa sa katotohanang magkakasama kami sa iisang event. At hindi iyon pupwedeng mangyari, paniguradong hindi ako makakagalaw ng maayos doon dahil alam kong ano mang oras ay magkikita kami. What should I do?

"Deep thoughts?" ayon na naman ang tanong ni Kade habang naglalakad kami palabas ng Mall.

"May naisip lang." tipid kong sagot.

Hanggang sa makapasok kami ng kotse at bumyahe pabalik ng bar ay hindi na nawala ang kaba sa sistema ko. Kinakabahan akong makita si Nathan at manumbalik lahat ng sakit na naidulot nya sa akin. Sya ang una kong naging boyfriend kaya sobra akong nasaktan. Higit pa sa grabe ang dinanas kong lungkot noon, halos madepress ako kaiisip kung bakit nya ako iniwan, kung bakit nya ako hinayaang mamatay sa lungkot mag-isa. Ang tanging narinig ko mula sa mga kaibigan nya ay nagsawa sya sa akin kaya sya umalis, ng walang paalam. Hanggang ngayon ay wala akong explanation na naririnig. Damn.

"P-Pupunta muna ako ng banyo.." paalam ko kay Kade nang makarating kami sa Bar.

Naroon na ang lahat ng staffs at nakaplay na ang mga musics bagaman hindi pa nago-operate ang DJ. Seryoso lang akong tiningnan ni Kade, hindi sya sumagot. Nang maramdaman kong mas kumikirot ang pakiramdam ko ay hindi na ako naghintay ng tugon, naglakad ako palayo doon saka nagpunta ng C.R. Ni-lock ko ang mismong pinto upang walang ibang makapasok saka ako pumasok sa isa sa mga cubicle. Doon ay hinayaan ko ang sarili kong mag-isip ng mag-isip.

Bumalik sya? Nahilamos ko ang mukha ko. Nang hindi ko man lang alam? Wala sa sarili akong naluha. Napakaraming tanong ang gusto kong masagot, napakaraming bagay ang gusto kong mabigyan ng linaw. Bakit nya ako iniwan? Bakit ganon nalang kadali sa kanya ang kalimutan ako? Anong mali? May kulang ba? Nagkulang ba ako? Nakakasawa ba ako? Kung nagkamali man ako, saan ako nagkamali?

Hindi ko alam kung paano sasagotin ang lahat ng tanong na iyon. Hindi ako nasasaktan dahil mahal ko parin sya, nasasaktan ako dahil naaawa ako sa sarili ko. Dahil hanggang ngayon ay iniisip kong kaya nya ako iniwan ay dahil wala akong kwenta, dahil hindi ako naging mabuting girlfriend sa kanya. Umiiyak ako hindi dahil sa mahal ko pa sya, umiiyak ako kahit ilang taon na ang nakalipas dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan ang rason kung bakit nya ako sinaktan. Deserve ko ba 'yon?

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon