Chapter 45
Pinanood ko si Nathan hanggang sa makaupo s'ya sa katabing upoan ko. Hindi ko alam kung bakit s'ya narito. Matalik na magkaibigan ang Daddy ni Nathan at si Daddy, at nakilala n'ya narin sina Lolo at Lola noon. Pero hindi parin iyon sapat na dahilan para magpunta s'ya dito ng ganon lang. Hindi ko inalis kay Nathan ang tingin ko, s'ya narin ang nakapansin non kaya nilingon n'ya ako.
"What?" inosente n'yang tanong.
Hindi ko napigilang mangunot ang noo ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"I came here because your Grandparents asked me to, kailangan mo daw ako."
"What?"
Nilingon ko si Lola, nasa akin na ang tingin n'ya. Ngumiti s'ya, sumulyap muna s'ya kay Nathan saka tumingin sa akin.
"Kailangan mo ang tulong ni Nathan, Apo." ani Lola, "Hayaan mo't paguusapan natin iyan mamaya, kumain na muna tayo."
Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang. Ngunit hindi ko parin maialis ang pagtataka sa presensya ni Nathan. Kumain nalang rin ako kalaunan, kahit pa hindi ganoon ka-pamilyar sa akin ang mga nakalapag sa lamesa. Mayroong kakaibang luto ng macaroni, may vegetable salad rin na para kay Lola. Mayroon ring steak at iba't-ibang uri ng noodles. Malamig ang klima sa France ngayon kaya swak ang spicy noodels na present rin sa mga nasa lamesa.
Hanggang sa matapos kami ay hindi ko parin maalis ang pagsulyap-sulyap ko kay Nathan. Iniligpit na ng katulong nila Lola ang nasa lamesa. Saka kami nagpunta sa sala upang maupo sa couch, hindi daw kase maaaring abalahin si Lolo ngayon, kailangan daw nitong magpahinga. Kaya mas pinili ni Lola na kami nalang ang magusap-usap.
"May mamanahin ka mula sa mga Benitez." paunang sabi ni Lola sa akin.
Agad ko iyong ikinatigil bagaman alam ko na. Iba parin ang pakiramdam kapag nanggaling kay Lola, sa mga salitang binitawan ni Lola ay nabuhay ang kakaibang kaba sa akin. Bakit ako kinakabahan? weird.
"Kompanya, lupain, mansyon at pera." dagdag ni Lola, "Ilan lang 'yan sa mga mapupunta sayo, Apo."
Sandali akong napatitig kay Lola, saka napakurap.
"T-Talaga po?" gulat kong tanong.
"Oo, Apo." ngiti ni Lola, "Lahat ng nabanggit ko ay kalahati lamang sa lahat ng matatanggap mo mula sa amin, lalo na sa Lolo mo." mainam n'ya akong tiningnan, "Pinapunta ka namin dito dahil marami kang dapat pirmahan, marami ka ring dapat malaman at maintindihan, Apo."
Pinilit kong ngumiti, bagaman kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Lola. Anong mga dapat kong malaman? Napalunok ako saka palihim na huminga ng malalim, muli akong tumingin kay Lola, seryoso parin ang mga tingin n'ya. Saka ko nilingon si Nathan.
"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"You need him." bigla ay sabi ni Lola, "S'ya ang aalam kung nararapat mo na ba talagang makuha ang lahat ng mamanahin mo."
Hindi ko maiwasang magulat. Kailangan pa ba no'n? Hindi ko ipinahalatang hindi ako sang-ayon sa gustong mangyari ni Lola. Ngunit ano mang tanggi ko, ano mang pagtutol ko ay hindi ko 'to pwedeng hindi-an. Makakatulong sa akin ang lahat ng mamanahin ko balang araw, lalo na't mula ito sa mga Benitez, kailangan ko itong mahalin at tanggapin.

BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
Roman d'amourYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.