Chapter 9

301 20 0
                                    

Chapter 9



Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam, nananatili kaming nakatingin sa isa't-isa ni Kade. Ang mga kaibigan naman nyang kigwa maging si Clara ay palipat-lipat sa amin ang tingin. Hindi nakatakas sa akin ang nakakaasar na ngisi ni Khent, ganoon rin ang pagpipigil ng ngiti ni Clara. Sina Dave at Bryle naman ay napapatango, hindi ko alam kung bakit. Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin.

"At ang nanalo sa titigan challenge ay! si Kade!" dinig kong palahaw ni Clara, natawa sila.

Ako naman ay hindi magawang mag-react. Nanatiling nakaiwas ang tingin ko, saka ako napakamot at tuloyang tumalikod. Talagang nilalamon ako ng hiya, lalo pa't ramdam ko parin ang tingin ni Kade sa akin. Ano bang meron at hindi mawala ang mga mata nya sa akin? dahil ba sa sinabi ko kagabi? dahil ba may work day ko ngayon pero hindi ko alam? bakit? bakit!

"You're scaring her, bro." dinig kong natatawang sabi ni Bryle.

"I'm not, I'm just surprised that she's here." dinig kong sagot ni Kade.

Nasorpresa sya na nandito ako? bakit? dahil ba hindi ako invited? o kaya naman dahil ba ang akala nya ay hindi ako darating dahil nahihiya ako? ano ba?

Para akong lalamunin sa pagoover-think. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng hangin dahil hindi ako makahinga. Naguunahan sa pag-apaw ang hiya, kaba, at pagkataranta sa sistema ko. Hindi ako nagpahalata, humarap ako saka nakangiting tinapos ang pagkain sa plato ko. Habang naguusap-usap ang apat na kugtong ay pasimple kong inilagay ang plato ko sa sink, timing na malapit doon ang kinatatayuan ni Clara at Khent, sinadya kong dumikit kay Clara.

"Kailangan kong magpahangin." bulong ko, talagang tense na tense ako.

Napapikit pa ako nang hinipan nya ng sunod-sunod ang mukha ko, pinaypayan nya pa ako gamit ang dalawang kanay nya. Hindi ko naiwasang mainis.

"Ano ba!" pabulong na reklamo ko.

"Ayan, hangin." inosenteng aniya.

"Gaga." pinandilatan ko sya.

"Ano bang problema mo? napaghahalataan ka, unayos ka nga para kang hindi maganda eh." inayos nya pa ang buhok ko.

"Ewan ko ba, Clarita. Pero grabe yung kaba ko dahil kay Kade, hirap huminga." saad ko.

Nakita ko pang lumingon si Clara kay Khent. May ibinulong sya rito. Nais ko mang pigilan si Clara ay wala na akong nagawa dahil nilingon na ako kay Khent, dahilan para maagaw pa nito ang atensyon nang tatlo pang kugtong. Napapikit ako sa inis, hindi ko alam kung sa paanong paraan ko babatukan si Clara. Okay, wala na.

"Are you okay, Leianna?" dinig kong tanong ni Khent.

"O-Oo naman, okay na okay ako hehe." walang alinlangan kong sagot.

"Oh? akala ko ba nahihirapan kang huminga?" inosente paring tanong ni Clara.

Letse ka! gusto ko mang isatinig ay hindi ko na ginawa. Palihim kong pinandilatan ng mata si Clara. Nakita ko pang pandilatan nya rin ako ng mata saka sya nakangiting lumingon sa nobyo. Ako naman ay napatingin na kina Dave at Bryle na nag-aalala narin ang tingin sa akin, saka ko pasimpleng tiningnan si Kade. Nasa akin na ang paningin nya, seryoso at hindi man lang kakikitaan ng pag-aalala. Manhid.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon