Chapter 41

266 12 1
                                    

Chapter 41





Kinabukasan ay maaga kaming nagsama-sama upang kumain ng agahan sa mini resto ng hotel. Pagkatapos kumain ay saka kami nagtungo sa BBC upang puntahan ang area kung saan itatayo ang ikalawang branch ng Aero Club. Hindi pa bukas sa publiko ang BBC. Malawak ang lupain ng resort na ito kaya malayo ang malalakaran mo kapag nag muni-muni ka. May mahabang sand bar rin ito kalayuam sa dagat, doon ay nakatayo ang mga nippa hut, elevated upang hindi mapasok ng tubig kapag nag-high tide.

Nakarating kami sa BBC, naroon na ang mga nagaayos doon. Napakarami naring mga binago sa buong resort, iyong mga naluma ng panahon at iyong mga nasirang arte na ng mga establishments. Napakaraming nagtulong-tulong. Hindi na tuloy ako makapaghintay na makita ang final look ng buong resort. Hawak ni Kade ang kamay ko habang pinapanood namin ang pagtatrabaho ng mga tao doon.

"Sa susunod na linggo lang ay ayos na lahat 'to." lumapit sa amin ang isang lalaki.

Mukhang binata pa ito, mukhang isa sa mga head na nagaayos ng Aero Club 2. Isa rin siguro sya sa tatlong Engineer na tumutulong sa pagaayos ng buong resort.

"Rafaelis." naglahad ng kamay si Kade, "So, tapos na 'to before the 5th day of March?"

"Yes, marami ang nagtulong-tulong." sagot nito.

"That's great, para ma open narin in public 'tong resort." sagot ko.

"Yes, that's soon to happen." kumindat ito sa akin, "I'm Rafaelis, what's your name?"

Naiilang ko namang nilingon si Kade. Tiim bagang na sya habang nakatingin sa Engineer. Ako naman ay napalunok nalang, napapahiya akong lumingon kay Rafaelis na mukhang hindi nararamdaman ang nakakamatay na tingin ni Kade.

"Okay, yung number mo nalang." sambit ulit ni Rafaelis.

"Ask her one more time and I'll kick you out of here." seryosong sambit ni Kade.

Nakita kong matawa si Rafaelis saka isinuko ang dalawang kamay. Tatawa-tawa nya akong nilingon saka muling nagbalik ng tingin kay Kade.

"Easy, bro." mas natawa sya, "Is she your girlfriend?"

"My fiancé."

"Woa, lakas." bilib na ani Rafaelis, "Invited ba ako sa kasal?"

"Pagiisipan ko."

"Parang hindi naman tayo magkaibigan nyan, Kade."

"Tsh."

Sakto ang pagdating nila Clara at Nica kasama ang mga nobyo at si Dave galing sa paglalakad-lakad. Agad silang tumabi sa amin, nakipagkilala naman sila kay Rafaelis, hindi ko inasahang magkakilala na pala ang tatlong Barbarians at itong si Rafaelis.

"Dave! Look at you, still single, huh?" natatawang yakap ni Rafaelis kay Dave.

"Single and contented." mayabang na ani Dave, "Sakit lang sa ulo ang mga babae."

"Pero mas masakit sa ulo kapag tumanda kang walang babae." siniko sya ni Rafaelis, "Come on, bro. Bakla ka ba?"

"Ulol." agad na sambit ni Dave, "I don't have a girlfriend because I don't need a girlfriend, that's it."

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon