Chapter 49

226 12 0
                                    

Chapter 49



Kinaumagahan ay naimulat ko ang mga mata ko dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Boses ni Clara ang una kong narinig. Agad na sana akong tatayo ngunit biglang sumakit ang ulo ko, agad lang rin akong napaupo. Kinapa ko ang sarili ko, nang mapansing mainit ako ay agad kong kinuha ang thermometer saka iyon inipit sa likuran ng tuhod ko upang malaman ang temperature ng katawan ko.

37... 38... 39....

39°... Napapikit nalang ako sa sama ng pakiramdam ko. Saka ko naalalang naulanan nga pala ako kagabi. Nagbihis ako, hindi ako naligo dahil natatakot akong mas sumama ang pakiramdam ko. Nagsuot ako ng makapal na damit saka pajama. Agad na akong bumaba dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba, marahan pa akong naglakad dahil pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

"Goodmorning!"

Nagitla ako sa sigaw na iyon ni Clara, ang mukha n'ya ay halos mapuno na ng harina. Nilingon ko ang kusina, naroon si Khent at Bryle na nagluluto ng kung ano. Si Nica naman ay nasa lamesa kasama si Dave at ang kasama nitong babae, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala. Nilingon ko ang paligid, ang taong inaasahan ko ay wala. Nakaramdam ako ng matinding lungkot ngunit hindi ko na ipinahalata.

"Hi?" lumapit ako sa babaeng kasama ni Dave.

"H-Hi." nahihiya s'yang tumayo, "Anasthasia." inabot n'ya ang kamay sa akin upang makipagkamay.

"Leianna." nakipagkamay ako.

Nakita kong mangunot ang noo n'ya habang hawak ang kamay ko. Ipinagtaka ko ang reaksyon n'ya.

"You're hot." ani Anasthasia sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng hiya, "Hindi naman, mas sexy ka pa nga." ngumiti ako.

"Huh?" taka n'yang tanong, kalaunan ay natawa s'ya, "Ang sabi ko, mainit ka, may lagnat ka ba?" nagaalala n'yang tanong.

Nakaramdam ako ng hiya kaya nahimas ko ang batok ko. Napalingon sa akin ang mga kasama namin, ayon na ang nagtatanong na tingin, inaalam kung talaga nga bang nilalagnat ako.

"Hindi ka hinatid ni Kade?" seryosong tanong ni Clara.

Ngumuso ako saka umiling, ayaw ko nang pagusapan kaya nagiwas na ako ng tingin.

"Hoy, Khent, Bryle, Dave!" nagulat ako nang tawagin ni Clara ang tatlo.

"What?" wala pa man ay dinedepensa agad ni Dave ang sarili.

"Pagsabihan n'yo 'yang kaibigan ninyo ah! Magpo-propose s'ya sa kaibigan ko tapos hindi n'ya naman pala papakasalan?" taas kilay n'yang tanong.

"We'll talk to Kade, Bubby. Relax, okay?" pagpapakalma ni Khent sa kan'ya.

"Kapag hindi n'ya pinakasalan si Leianna, isasanla namin 'yang engagement ring na binigay n'ya!" sagot ni Nica.

"Relax, Ladies. Bigyan ninyo ng kaunting panahon si Kade, he was never been in a relationship with someone before so he's new with the situation." ani Bryle.

"Yeah, I think Kade really needs more time to realize everything." nagkibit balikat si Dave.

"How about Leianna?" sumabat si Anasthasia, "If Kade needs more time to realize, then Leianna will also have more time to feel pain." ngumiwi ito, "Huwag palaging si Kade, si Leianna naman."

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon