Excitement
Hindi parin mawala sa isip ko hanggang ngayon kung paano ako nag dalawang isip na ipagpatuloy ang pangarap ko, pero mula noong naramdaman ko ang suporta ng papa ko pinagpatuloy ko ito kahit alam kong ang mommy ko ang unang kalaban ko dito.
"Hindi ko sigurado kung itutuloy ko pa ba mag educ" pagkukwento ko kay Yva at Lei
"Bakit naman hindi? Alam mo pwede ka naman naming tulungan na i-convince si tita Ivy" Pagpipilit sakin ni Lei
"Nawawalan narin ako ng tiwala sa sarili ko dahil sa pinaparamdam sakin ni mommy e"
Sabi ko sakanila dahilan ng pagyakap nila saakin"Shh, don't say that Vina alam namin na kaya mo yan someday isa ka din sa mga makikilalang magaling na guro dito sa lugar natin" Nabuhayan ako ng lakas ng loob ng dahil sa sinabi ni Yva
Pagkatapos namin mag usap usap nagdesisyon na akong umuwi para hindi na madagdagan ang kasalanan ko kay mommy
Pagpasok ko palang ng bahay nakita ko na agad si papa na nakaupo at kumakain ng hapunan. "Good evening Pa anong oras ka po nakauwi?" Busy si Papa sa trabaho kaya tatlong beses lang siya nakakauwi dito sa bahay sa loob ng isang linggo.
"Goodevening baby kanina pa ko around 6pm, lets eat " pagyaya sakin ni papa kumain
"Vina gabing gabi na san ka na naman nang galing?" Biglaang pagsulpot ni mommy galing kusina
"My galing po ako kala Yva at Lei nag usap lang po kami tungkol sa enrollment" paliwanag ko sakanya.
"Siguro naman nasabi mo na sakanila ang gusto ko na kuhanin mong course" dire-diretsong sabi sakin ni mommy
"Ivy we discussed this earlier diba? I told you na hayaan mo na ang anak natin sa gusto niya naniniwala naman ako na pagbubutihin niya yan" pagsingit ni Papa na siyang kinatuwa ko.
Eversince bata pa ko si Papa lang talaga ang nagiging kakampi ko sa lahat, ramdam na ramdam ko kung pano niya ko suportahan sa lahat ng bagay.
"Okay fine, pero Vina ngayon palang sasabihin ko na sayo na kapag hindi mo naipasa ang exam sa pagkuha ng lisensya dyan, maghahanap ka na ng sarili mong buhay hindi kana makakaasa ng suporta mula samin ng Papa mo" hindi ko alam kung ikakatuwa o ikakalungkot ko ang sinabi sakin ni mommy.
Hindi ko mapigilan ang mapatayo at yakapin si mommy at papa "thank you po Papa, Mommy mag-aaral po ako ng mabuti"
"Anything for you baby" sabi ni daddy.

YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...