Rants
"Alam mo kasi ayos lang sana kung nag sorry siya e pero kung nakita niyo yung itsura niya parang pinagtawanan niya pa ako" pagkukwento ko kala Yva at Lei
"Kung ginamit mo kasi yung lipstick ko kanina baka na amaze pa yun sayo at binuhat ka papuntang cr" halakhak ni Lei
"Anong sabi mo Vina nung naihulog niya yung phone mo?" Pagtatanong ni Yva
"Edi ayun sabi ko palitan niya pag nasira pero mukhang okay pa naman" sabay pindot ko sa aking cellphone na ngayon ay nagshutdown
Pilit ko itong pinipindot ngunit ayaw na talagang gumana
"Pano na to wala na akong magagamit na cellphone! Lagot na naman ako kay mommy neto e humanda talaga yang lalaki na yan sakin bukas" inis na wika ko
"Pano mo siya makikita aber? Sa laki ng school na to san mo hahanapin yun hindi mo man lang ata natanong kung anong pangalan o course man lang nun e." Sagot ni Lei saakin
"Gwashi ba besh? Ha gwashi ba?? Omg" pasigaw na sabi ni Lei saakin
"Oo gwapo siya pero di ko siya type!! Basta makikita at malalaman ko din kung sino siya papalitan niya talaga to sa ayaw at sa gusto niya" bwisit na sabi ko
Kring kring kring
"Hello Ulap? Oo pauwi narin ako nandito na ko sa labas ng campus, Ha? Sa Mall? Osige kita nalang tayo sa may coffee shop see you" napakalakas ng boses ni Lei habang may kausap sa kanyang cellphone.
"Sige na girls mauuna na ko sasamahan ko lang yung pinsan ko bago lang kasi yun dito galing U.S yun kaya di pa niya kabisado dito hihi" sabay halik niya saaming pisngi at tuluyan ng tumakbo papalayo saamin.
"Sino naman kayang pinsan yun? Baka isa sa mga lalaki niya lang yun" halakhak ni Yva.

YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...