Pinsan
Bakit ganun ang pakiramdam ko sigurado akong kilala ni Lei yung lalaking tinutukoy ko e. Tanging ito lang ang iniisip ko hanggang matapos ang buong klase namin.
"Lei, Yva samahan niyo nga ako papunta sa Building ng tourism baka sakaling nandun yung walanghiyang lalaki na yun" sabi ko sa mga kaibigan ko
"Wait Vina nararamdaman ko na nasa Engineering Building yung lalaki na tinutukoy mo" sabi ni Lei sabay pindot sakanyang cellphone
"Bakit parang sigurado ka Lei? Kilala mo ba yun?" Nagtatakang tanong ko kay Lei
"Hindi pero malay mo" sabay kindat niya saakin
Bakit ba ako dinadaluyan ng kaba? Eh siya itong may kasalanan sakin? Pero bakit mas kinakabahan pa ako
Agad itinuro sakin ni Lei ang isang classroom ng mga engineering student karamihan pala ng nandito puro lalaki siguro nga nandito yung lalaking hinahanap ko
"Ulaaaaaaap!!!" Isang malakas na sigaw ni Lei mula sa likuran ko
Ulap? Weird ha? Teka eto yung kausap niya kahapon sa cellphone ha
At boom! Ayun paglingon ko tama nga ang hinala ko kakilala ni Lei si Ulap? Teka si boy tangkad
"Lei kakilala mo pala siya?" Tanong ni Yva
"Ah oo hihi pasensya na kayo ha siya yung sinasabi ko sainyong pinsan ko na bago lang dito" sabay tingin ni Lei sakin gamit ang nakakalokong ngiti
"Ka-ano ano mo siya?" Tanong ko na halos ibulong ko na
what a small world
"Pinsan ko" sabay hagalpak niya ng tawa
Pinsan? Really?
"Pinsan?" Tanong ko kay Lei ang imposible na nagkaroon siya ng ganitong kagwapo na pinsan ha
Erase erase Vina mag-aaral ka kaya ka nandito.
"Ah oo Vina nakalimutan kong sabihin sainyo kahapon kasi nagmamadali kami may binili kasi kami sa mall nagpasama siya sakin"
Nakita ko naman tong si Ulap na nakatayo lang sa tabi ni Lei at tila hindi alam ang gagawin
"Ah okay anyway I'm Yva, Lei's beautiful friend" sabay lahad ng kamay ni Yva kay Ulap
"Hmm hi" nahihiyang tugon ni Ulap
"Oh Vina? Akala ko ba malalagot sayo itong lalaki na to pag kaharap mo na bakit nanahimik ka ata?"
Pagpapahiyang sabi ni Lei saakin
Teka bakit nga ba ako nanahimik? Diba sabi ko galit ako
"Ayong magpaligoy ligoy pa gusto ko lang mapalitan mo ng bago ang cellphone ko dahil nasira mo" kunwari pagtataray ko kahit medyo nanginginig na ang boses ko
Ang gwapo niya pala sa malapitan hay ang puso ko
"Vina pwede ba? Makipagkilala ka muna sakanya bago ka umacting ng galit dyan" pang iinsulto saakin ni Lei
"Halika rito ulap ipapakilala kita sakanya" sabay hila ni Lei sa lalaking ito
"Guys siya pala si Ulap pinsan ko" pakilala ni Lei saamin.
I wonder totoo niya kaya itong pangalan? Bakit parang ang weird naman.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...