Revenge
VINA'S POV
Hindi ako makapaniwala na darating parin talaga ang panahon na ito na kaming dalawa parin ang magsasama hanggang huli, akala ko noon ay wala ng pag-asa na magkabalikan pa kami dahil lumayo siya ng tuluyan saakin.
Pinagmamasdan ko ang singsing na nakasuot ngayon sa aking daliri na nagniningning kasabay ng maraming bituin ito ay tanda ng pagmamahalan naming dalawa.
Matapos ng nangyari kanina ay inihatid ako ni Perdee dito sa teachers camp at ang sabi niya saakin ay bukas na bukas din babalik kami sa aming lugar upang sabihin saaming mga magulang ang naganap ngayong gabi.
Ngayon lang ulit ako nagbukas ng aking mga social media accounts agad kong pinicturan ang kamay ko suot ang napakagandang singsing at inupload ko ito sa aking instagram
"Finally."
Sunod sunod agad ang naglike dito ngunit agaw pansin saakin ang post ni Perdee na nauna lamang ng sampung minuto kaysa saakin. Larawan ito ng isang bituin na maningning sa gitna ng kalawakan ngayong gabi
"My favorite star said yes!"
Agad akong nakareceive ng message mula kay Yva at Lei sa aming groupchat
"Omg girl! Is that even real?" Tanong ni Yva
"Pupunta na talaga ako dyan sa Punta Veronica baka dyan din ako makahanap ng boylet" sabat naman ni Lei
"Guys i'm engaged with Perdee " I proudly announce
"Yea, as if meron pang iba" Yva said
"If i know naman na plano na talaga ni Perdee yan noon pa ooops" at hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya
—————————————————————
"Love sigurado ako na matutuwa sila daddy kapag nalaman nila na engaged na tayo" sabi ni Perdee
"Medyo kinakabahan ako kasi mas maganda siguro kung kasama sila habang nagpropose ka para mas formal sa harapan nila diba?" Tanong ko
"Edi uulitin natin love" pagbibiro niya
"Ayos na siguro kahit wag na ang mahalaga malaman nila pati narin ng mga kaibigan natin" sagot ko naman
"Love may sasabihin ako sayo" sabi ko kay Perdee habang nagmamaneho
"Si dio" agad sumama ang mukha niya "bakla siya love"
"What?!" Gulat na gulat ang kanyang mukha
"Oo love kaya kahit anong selos ang gawin mo hindi ka mananalo dun! Nasusuka nga yun kapag nagiging sweet ako sakanya e katulad nalang nung sinapak mo siya"
"I'm sorry about that love ayoko lang talaga na may humahawak sayong iba and nakita ko pa yung picture niyong dalawa nung graduation kaya lalo akong nainis sakanya" paliwanag niya
"I want you to personally say sorry to him love" utos ko sakanya
"Yes I will" he promised
Habang tinitignan ko siya hindi ko mapigilan na mapangiti, ang swerte ko dahil pag aari ko ang lalaki na ito.
Ang lalaking walang ibang nakikita kundi ang kabutihan para sa lahat.
Ang lalaking kayang paghaluin ang lungkot at takot kapalit ang walang hanggang saya.
"Baby you stole my heart and I am planning a revenge... I am going to take your lastname" bulong ko sa isip ko.

YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...