3rd
Isang linggo narin mula ng makabalik kami saaming school at ngayon ang eksaktong unang buwan namin ni Perdee. Alam narin ng mga magulang at kaibigan ko na kami na nung mismong araw ng pasko. Wala kaming naging problema saaming mga magulang ngunit isa lamang ang kondisyon nila iyon ay kailangan naming makatapos ng sabay.
Nag-uusap at madalas din kaming mag kasama ni Perdee at ngayon bilang celebration ng aming unang monthsary napag desisyunan namin na pumunta sa Heritage Park mamayang gabi pag uwi namin galing school.
"Love I pick you up later ha, get ready" sabi ni Perdee habang sabay kaming naglalakad patungo sakanyang sasakyan ng magkahawak kamay
"Yes love Happy 1st Monthsary again" I said to himHindi na ganun kadalas naming nakakasama sina Vina at Lei dahil sabi nila saamin na parehas daw silang nagbo-boy hunting. Hindi ako sigurado pero alam kong isa sakanila ay may kadate palagi dahil nahahalata ko sa kilos nila.
Nakauwi na ako sa bahay at agad na naligo at nagbihis para sa date namin ni Perdee
"My, aalis po kami ni Perdee uuwi din po ako before 10 pm" paniniguro ko kay mommy
"Ingat kayo anak" she kiss my cheeks
Pumarada na sa tapat ng aming gate ang sasakyan ni Perdee agad akong bumaba ngunit pagbukas ng pinto ay iba ang nasa loob nito
"Ah ma'am pasensya na po pinapasundo po kayo saakin ni sir Perdee male-late daw po kasi siya ng kaunting oras" sabi nung manong saaking harap
"ano pong sasakyan ang gagamitin niya papunta dun?" tanong ko naman sakanya
"baka po maglakad si sir" sabay ngisi ni manong saakin "tara na po ma'am" may tiwala naman ako na baka nga pinapasundo ako ni Perdee kaya agad din akong sumakay sa loob ng sasakyan niya
Nang makarating dito sa park ay agad akong tumingin sa paligid ng wala akong nakitang Perdee ay kinuha ko ang aking cellphone at nung ambang tatawagan ko na siya ay may tao na lumapit saakin at nagsalita
"ma'am vina this way please" sabay turo niya saakin sa maliit na daan sa gilid ko. Sumunod naman ako dahil may nakikita akong mga ilaw sa gawing iyon. Sinalubong agad ako ni Perdee at nakita ko ang malaking ngiti niya
"Hi love nagustuhan mo ba?" pagtatanong niya saakin ngunit natulala na lamang ako sa ganda ng ayos ng lugar mayroong lamesa na may kandila at pagkain sa gitna
Tumango ako bilang sagot. I'm very speechless sa effort ng lalaking ito
"Let's dance before we eat my love" he held my hand and a very familiar song played
Can't help falling in love.
"Thank you, you never failed to complete my day love" I said sincerely
"I love you more" he said
"nakikita mo ba yung mga bituin sa itaas palagi kong pinagdadasal diyan na sana sabay nating ma abot yung pangarap natin. Sabay tayong g-graduate diba love? Tapos ako na mismo magpapatayo ng sariling school na pagtuturuan mo" he look at me and I can see in his eyes that he assured me in his words.
"yes love, parehas tayong aakyat ng stage pero matagal pa yun love 4 years pa!" sabay tawa ko "I love you Perdee. I always will" I kiss his cheeks
"Love may regalo ako sayo" and then I saw him get the brown envelop on the table
Inabot niya saakin ang envelop, sigurado ako na isa na naman itong engineering plates at pagbukas ko ay tama nga ang hinala ko nakita ko yung picture namin na magkayakap nung nakita namin ang resulting aming Mid-terms teka sinong nagpicture nito?
"love if you are wondering who take that photo its Lei nagulat nalang din ako at sinend niya saakin yan" he smiled at me
"Lei Lei Lei" sa isip ko habang natatawa
Napakaganda ng drawing na ito kitang kita kung gaano kahigpit ang yakap namin sa isat-isa, sa ibaba ng drawing na ito ay may nakalagay na "Loving you is all I ever want to do" at nandun na naman ang isang capital letter sa taas "L".
"Ang galing mo love, hindi talaga imposible na isa ka sa mga pinakamagaling na engineer in the future. Ngayon palang nakikita ko na yung pangalan mo na nakapangalan sa isang sikat na kumpanya Engineer Persus Claudee Fuerte" sabay sensyas ko ng aking kamay sa ere."I will forever believe in you always bear that in your mind love" pahabol ko pa sakanya
"Yes love I promise I will do my best for you I love you more"
*check multimedia for background music lol*
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...