LEI'S POVActing
Walang ideya si Vina sa gagawin naming plano para sa birthday niya na si Perdee ang mag aasikaso ng lahat. Pinapunta din namin si Yva dito para makapag usapan namin ang kailangang gawin, kami ni Yva ang bahala sa lahat ng disensyo at si Perdee naman sa venue at mga pagkain. Nakipag usap nadin samin sila Tita Ivy at Tito Victor na susurpresahin din nila si Vina sa mismong birthday niya.
Napag desisyunan namin na sa Heritage Garden gagawin ang birthday ni Vina dahil maganda daw mag set up sa pinakataas nun dahil tanaw ang buong syudad at maraming butuin kapag gabi. Bumili kami ng napakaraming ibat ibang kulay ng lobo dahil sabi ni Perdee ay pupunuin daw namin ang buong venue ng lobo, naghanda rin kami ng maliit na photo booth para makapagpicture ang mga bisita.
——————————————————
Nandito na kami ngayon sa venue nauna kami ni Yva dito at ng ilang kaibigan namin ni Vina na sina Dio at twittle dahil isa sila sa mga tutulong saamin. Bumili ako ng isang set ng accesories na regalo ko kay Vina, exclusive ang party na ito dahil mga kakilala at ka close lang namin ang pupunta.
Naka-ayos na ang lahat dito sa venue halos hindi ako makapaniwala na ganito ka ganda ang kakalabasan ng paghihirap namin humahanga talaga ako sa pinsan ko dahil pinapakita niya lahat ng effort niya kay Vina. Ilang beses niya narin nasabi saakin na papakasalan niya daw talaga si Vina pag naka graduate na kaming lahat kaya parte ng bawat drawing niya ang pagpo-propose niya dito.
"Ulap! Mag ready kana aba! Ilang oras na lang susunduin na namin si vina" pagsigaw ko kay Perdee dahil pilit niyang pinagpapantay-pantay lahat ng lobo kahit maayos naman na ang lahat
"Teka lang, ano ba mas okay naka angat tong color pink or itong red?" Pagtatanong ni Perdee habang hawak hawak ang mga lobo
"Hay jusmiyo Ulap mas magulo ang buong itsura mo kesa sa mga lobo na yan, magbihis kana at maligo ka ng pabango" pang aasar ko kay Ulap
"Gusto ko lang naman maging perfect lahat sa mata ni Vina para maging memorable sakanya tong araw niya" pagsagot ni Perdee
"Oo na edi kayo na perfect hmmp" kunwaring pagtataray ko
"Sige na uuwi muna ako saglit magbibihis lang ako kayo na bahala sumundo kay Vina ha" nagmamadaling sabi ni Perdee habang papunta sa kanyang sasakyan.
Nagsimula ulit kami ni Yva sa pagchecheck ng lahat gaya ng mga lightning, sounds at ang mga pagkain na ihahanda.
Ang tanging alam lang ni Vina ngayon ay may date sila ni Perdee wala siyang idea na ganto kaganda ang inihanda naming surpresa para sakanya.Papunta na kami ngayon kala Vina at may naisip kaming kalokohan ni Yva.
"Vina!! Vina Vinaaaa!!" Sigaw ko sa labas ng gate nila agad namang lumabas si Vina at napakaganda niya sa suot niyang black fitted dress na may slit sa kanan.
"Oh, bakit kayo ang nandito? May lakad kami ni Perdee e diba sabi ko naman sainyo bukas nalang tayo" pagpapaliwanag ni Vina
"Hmm Vina si Perdee kasi e" naluluhang sabi ni Yva
"Vina i'm sorry bumalik na si Perdee sa US" pagkukunwari ko
"Huh? Teka prank to no? Hindi pwede yun! May dinner date kami ngayon! Teka pupuntahan ko siya sainyo" natatarantang sabi ni Vina
"Wag na Vina galing kami sa bahay at kakaalis niya lang dun pwede natin siyang habulin papuntang airport pero kailangan mo muna itong isuot" sabay bigay ko ng blindfold sakanya
"Teka anong gagawin ko dyan bakit kailangan nakaganyan pa! Bilisan na natin para maabutan natin siya" sabay ngisi ni Vina
Beep*
Perdee: All set here nandito narin sila tito at tita bilisan niyo na i can't wait to see my girl.
Sus ang cheesy hmmp.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...