CHAPTER 57

10 4 0
                                    

Propose

PERDEE'S POV

Kitang kita ko sa huling pagkakataon kung paano ako tinalikuran ni Vina, alam ko na ngayon ang pakiramdam ng talikuran ka ng taong mahal mo. Sobrang sakit sa puso ko kung paano ko nakita ang galit sa mga mata niya ng sinuntok ko si Dio. Selos ang naramdaman ko ng makita ko ang pagkapit ng lalaki na yun sa pag-aari ko

Alam kong hindi ako mapapagod kay Vina kahit kailan pero sa tingin ko ay kailangan ko muna magpahinga hindi ko na muna siya guguluhin.

Naghanap ako ng pinakamalapit na bar dito sa Punta Veronica napansin ko na nag iisa lang ang bar na meron dito at wala pa masyadong tao kaya ito ang pinuntahan ko.

Nakarami na ako ng ininom ko ngunit pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang lahat ng ito para makalimot kahit sandali nag take out pa ako ng dalawang bote ng alak para ipagpatuloy saaking rest house mamaya para makatulog at matigil muna ang aking utak sa kakaisip kay Vina

Nagmaneho ako pauwi saaking bahay nagbihis agad ako ng pamalit ko at inilagay ko sa aking bulsa ang pinakaimportanteng bagay saakin na kahit saan ako pumunta ay palaging nasa katawan ko saka ako dumiretso sa dalampasigan na nasa tapat lamang ng aking resort

Patuloy ako sa pagtungga ng aking alak ng maramdaman ko na biglang may pumigil dito. Kitang kita ko sa aking gilid ang maluha luhang si Vina sa harapan ko.

"Perdee i'm sorry" saad niya habang ako ay nakatingin parin sa hampas ng mga alon

"Please talk to me" pagsasalita niyang muli ngunit hindi ko parin siya pinapansin at patuloy parin ako sa pag inom.

"I know everything nasa bahay kanina sila Tita Pauleen at Popshie ng malaman ko ang lahat ay hindi na ako nag aksaya ng panahon at bumalik agad ako sayo" sabi niya

Nagulat ako ng bigla niyang tinungga ang beer na nasa harapan ko ng dahil dun ay naagaw niya ang atensyon ko

"Don't do that again i wont allow you to drink" kalmadong sabi ko

"Okay i'm going home now I'm so sorry hindi naman kita pwedeng pilitin na piliin ako ngayon. Sana mapatawad mo ako Mahal na mahal parin kita at sa tingin ko ay mahihirapan akong alisin to sa buong pagkatao ko" sabay tayo niya at akmang aalis ngunit hinila ko agad siya at napayakap siya saakin habang patuloy sa pag iyak

"Sorry dahil hindi kita inintindi noon sinisisi ko ang sarili ko dahil pinagtabuyan kita" sunod sunod na sabi ni Vina

"Hush baby hindi mo kasalanan yun dahil hindi mo naman alam ang nangyari saakin noon pinili kong wag sabihin sayo dahil ayokong maging sagabal sa pag aaral mo dahil alam ko na magagalit si tita Ivy sayo kapag hindi ka nakapasa kaya mas pinili kong sarilihin nalang" pagpapaliwanag ko.

"I'm too inlove with you to not...to forgive Trust me Vina i don't leave kahit ilang beses mo pang sabihin. If you're staying, i'm staying" dagdag ko pa at lalo siyang yumakap saakin.

"If you trully love me tutulungan mo akong hanapin yung nahulog ko na bracelet sa dagat" paghahamon ko sakanya

"Perdee gabi na madilim na masyado hindi natin makikita yun" pagtanggi niya

"Tara na" agad akong tumakbo patungo sa dagat at inilubog agad ang aking katawan nakita ko rin na papunta narin si Vina dito kaya kinuha ko agad ang kahon na pula saaking bulsa at inilabas ito. Lumubog ako sa ilalim ng tubig at umahon banda sa likod ni Vina

"Oh my God Perdee! Nasan kana? Ang lamig!!" Pagsigaw niya

"I'm here ano nakita mo na ba?" Tanong ko sakanya habang nakangisi

"Hindi pa teka lang sisisid ako"

"Ako kasi nakita ko na e" sabay pakita ko sakanya ng singsing agad nanggilid ang luha sa mga mata niya

"Will you marry me?" Tanong ko sakanya na tanging pagtango at iyak lamang ang isinagot saakin

"Yy-yes" nangingig na sabi niya at agad akong hinalikan

"I just want to let you know, I love you. I'll never stop loving you" sabay yakap ko ng mahigpit sakanya.

Spring ApartWhere stories live. Discover now