W

27 9 0
                                        



1st Letter

Maaga akong nagising ngayon dahil major subject ang unang papasukan ko, ngayon din namin makukuha ang resulta ng aming mid-terms exam. My phone beep and I saw Perdee's goodmorning message

Me: Goodmorning! See you sa school later, sabay nalang tayo sa break time

Wala pang ilang segundo ng mag reply si Perdee saakin

Perdee: I'll fetch you at your house wait for me I'm on my way


Dali-dali kong kinuha ang aking bag at dumiretso na sa kusina para mag paalam kay mommy

"My alis na po ako sabay po kami ni Perdee ngayon" sabi ko kay mommy sabay halik sakanyang pisngi

"mag-ingat kayo, dito narin kayo mag dinner mamaya" anyaya ni mommy

Paglabas ko ng gate ay nakita ko na agad ang pamilyar na sasakyan saakin

"Goodmorning beautiful" bati ni Perdee saakin sabay bukas sakanyang front seat

Napansin ko lang na si Perdee yung tipo ng lalaki na kung anong gusto niyang sabihin ay sasabihin niya, Expressive kumbaga.

"Goodmorning, ngayon din ba ang result ng Mid-Terms niyo?" tanong ko kay Perdee

"Oo e sabay nalang tayo tignan mamaya bago tayo dumiretso sa room" sagot niya saakin

"Sure, hmm Perdee sabi nga pala ni mommy sa bahay kana mag dinner mamaya"

"hindi ba nakakahiya kay tita yun? Baka masanay ako" sabay tawa niya

"minsan lang naman yun" natanaw ko na ang gate ng aming school kaya umayos na ako ng pagkakaupo.

Sabay kaming naglakad ni Perdee patungo sa bulletin board sa harap ng registrar office upang makita ang resulta ng aming exam ng biglang may tumawag saaking cellphone

"hello Vina!! Bilisan mo pumunta ka ditto sa bulletin board may good news ako sayo" sigaw ni Lei sa kabilang linya

"sige papunta na kami ni Perdee" sabay patay ko sa kanyang tawag

Nakita ko agad mula dito sa malayo si Yva at Lei na malaki ang ngisi saamin ni Perdee

"Surprise Vina!! Isa ka sa mga Dean Lister" sabay turo niya sa papel na nasa harap ko

Laking gulat ko na napasama ako I'm sure matutuwa si mommy saakin. Nakita ko ang tingin saakin ni Perdee na tila ba masaya sa nakuha kong achievement ngayon

"Congratulations my Vina you did very great!" bati saakin ni Perdee at ginulo gulo pa ang aking buhok

"ayiee talaga naman oh! Label muna bago ang lahat ha!" hiyaw ni Yva saamin

"tara guys doon naman tayo sa building nila Perdee tignan natin yung result ng kanya" pagyayaya ni Lei

Agad naman kaming sumunod sakanya, excited din akong malaman ang resulta nung kay Perdee naniniwala ako na isa din siya sa mga nasa list. At ng makarating kami sa bulletin board nila ay si Lei ang unang tumingin

"Nako Ulap parang wala ka ata dito ha?" sabay ngisi ni Lei

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Perdee na parang hindi rin siya makapaniwala na wala siya doon kaya naman ako ang lumapit at hinanap ko agad ang kanyang pangalan

FUERTE, PERSUS CLAUDEE 1.28

WOW nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na siya ang pinakauna sa Dean List na nasa harapan ko, sa sobrang proud ko sa kanya ay hindi ko napigilan na mapayakap sa kanya

"Congrats Perdee I'm so proud of you!" naramdaman ko rin na niyakap niya rin ako at bigla siyang nagsalita

"We made it my love, I can't wait to share more achievements with you looking forward for more first with you" he said in very charming voice

"uy tara na Lei maiinggit lang tayo dito e" sabay tawa at talikod nila Yva saamin.

"I have something for you" Perdee said, and I saw him open his bag and get the long brown envelop inside of it

"Open it" nakangiting sabi niya

Agad kong binuksan ang envelop at nakita ko ang isang Engineering plates.

"Anong gagawin ko dito e hindi naman ako engineering student" sabay tawa ko

He chuckeled "Vina open it more to see the surprise"

I nodded

Laking gulat ko ng binuksan ko ito at nakita ang kanyang drawing na nakahalik sa aking noo, ito yung picture namin nung nagkaroon ng mini concert dito sa school at ito rin ang kanyang inupload sa instagram

May nakalagay sa baba ng drawing na "With you its Different" at sa pinakataas naman ng drawing ay may isang malaking letter ng W

"thankyou grabe ang ganda! Ididisplay koi to sa kwarto ko, pero bakit pala W?" tanong ko sakanya

"Secret" yan lamang ang tanging sagot niya

Spring ApartWhere stories live. Discover now