CHAPTER NINE

26 11 1
                                    

New phone

Lumapit si Ulap sa tabi ni Lei at may ibinulong dito na agad ikinahagalpak ng tawa ni Lei

"Okay guys sorry kami lang palang magpi-pinsan ang natawag sakanya nun" sabay hila niya ulit kay Ulap "halika ka nga rito Ulap ikaw na magpakilala ng sarili mo"

Agad na lumapit si Ulap sa harapan ko at naglahad ng kamay

"Hmm hi i'm sorry sa nangyare kahapon hindi ko sinasadya" sabay kamot niya sakanyang ulo na ramdam ko ay nahihiya

"I'm Persus Claudee Fuerte, Perdee for short" sabay alok niya ulit ng kamay saakin.

Kaya naman pala Ulap kasi Claudee okay now i get it.

Perdee? Hmm sounds good very unique

"So anong balak mo sa cellphone ko?" Di ko mapigilan mapangiti sa isip ko dahil hindi ko naman talaga ugali ang magtaray

"Ah eto pala" sabay kuha ni Lei sa kanyang bag ng isang box na may mamahaling brand ng cellphone "ayan yung binili namin sa mall nung nakaraan kaya umalis ako agad" sabay abot niya sakin

Wow, panigurado akong mahal to wala pa ata sa kalahati yung presyo ng cellphone kong nasira dito.

"Thanks" sabay kuha ko sa box "I'm Viel Ceanna Villa, Vina is what they call me, quits na tayo" sabay talikod ko

Grabe nakakahiya yun pakiramdam ko sobrang kapal ng mukha ko na tanggapin to. Pero mas nakakahiya na humarap ako sakanya na hindi man lang ako nakapaglipstick.

Maglilipstick na ko bukas.

Spring ApartWhere stories live. Discover now