Truth
VINA'S POV
Laking gulat ko ng pagpasok ko saaming bahay ay nadatnan ko sila Mommy at Papa kasama sila Tita Pauleen at si Popshie. Parang uurong ang mga paa ko ng makita ko sila
"Goodafternoon po" bati ko sakanilang lahat
"Goodafternoon gorgeous" bati saakin ni Tita Pauleen nginitian ko na lamang siya dahil sa hiya na nararamdaman ko ngayon na nandito sila sa harapan ko
"Mabuti nalang iha dumating kana dahil may gusto lang kaming sabihin sayo halika at umupo ka" sabi ni Popshie
"Sana anak ay mabigyan mo si Perdee ng pangalawang pagkakataon dahil nung panahon na umalis siya ay pareho lamang pala kayong may problema" sabi ni Papa
"Alam kong wala ako sa tamang posisyon para magkwento sayo iha pero naaawa na ako kay Perdee dahil hindi siya makahanap ng tyempo na masabi niya ang lahat sayo" sabi ni Popshie
"Iha kaya umalis noon si Perdee ay dahil nagkaroon kami ng problema ng kanyang Daddy nag file ako ng divorce paper dahil iyon ang gusto ng aking Mama na tuluyan ko ng iwan ang aking asawa pero ng sabihin ko yun kay Perdee ay ramdam na ramdam ko ang galit niya saakin sumabay pa na inatake ang kanyang daddy ng stroke kaya napilitan siyang bumalik saamin sa US at iwanan ka pansalamantala dahil kailangan din naman siya doon" paliwanag ng Mommy ni Perdee
Nagulat ako sa mga naririnig ko ngayon at parang gugunaw ang mundo ko ng maalala ko kung papaano ko ipagtabuyan si Perdee noon
"Sinabi niya saamin na binigo niya daw ang pangako niya sayo kaya hindi niya alam kung mapapatawad mo pa siya, at ngayon ng bumalik siya ay gusto niya sana na makapag usap kayo dahil natatakot siya na baka tumindi ang galit mo at makalimutan mo na siya hanggang ngayon ay sinisisi parin ni Perdee ang kanyang sarili dahil hindi ka niya nasamahan sa pagsalubong ng success mo at si Catie naman ay kaibigan niya lang walang namamagitan sakanila dahil kilala ko si Perdee kung sinong gusto niya ay yun lang talaga" dagdag pa ni Tita Pauleen
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko tuluyang bumuhos ang mga luha ko kaya agad akong tumayo sa hapag kainan at napagdesisyunan ko na bumalik sa Punta Veronica upang balikan ang mahal ko.
"Anak saan ka pupunta?" Sigaw ni mommy habang natakbo ako palabas ng aming bahay
"Walong oras lang mahal babalik ulit ako sayo" bulong ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...