Awkward
Mid-terms na namin ngayon kaya todo review ako ng mga past lessons namin kailangan kong ipasa to dahil malalagot ako kay mommy
Halos ilang buwan narin ang lumipas mula nung makita ko si Perdee dahil sobrang busy namin at medyo may kalayuan din ang building ng engineering.
"Lei magkakaroon daw ng mini concert dito sa school? After exam totoo ba yun?" Tanong ni Yva
"Balita ko Oo daw e sa friday daw yun sabi nung nag announce samin kanina" sagot naman ni Lei habang nagtatype sakanyang cellphone
"Bakit ano daw meron?" Tanong ko dahil wala naman talaga akong idea
"Girl sobrang aral na aral ka naman remember nasa iisang campus lang tayo bakit parang outdated ka naman masyado" balik tingin ulit ni Lei sakanyang cellphone
Hindi ko nalang pinansin si Lei at umorder nalang ako ng isang hot choco dito sa coffee shop na tambayan namin
"Uy Ulap nandyan kana pala tara na sumabay kana samin pagpasok kape muna tayo" sigaw ni Lei banda sa likuran ko
So siya siguro yung ka text ni Lei kanina pa.
Buti nalang prepared ako ngayon kasi ginamit ko yung lipstick na regalo sakin ng mommy ko noon."Hi pwedeng makiupo" sabi ni Perdee sa gilid ko
"Okay sure" sabay lapag ko ng dala dala kong hot choco
"Thankyou" sabi niya at tumayo siya upang hilahin ang upuan ko para makaupo ako ng maayos.
Wow gentleman.
Naging normal lang ang daloy ng buong exam namin medyo mahirap ito dahil puro enumeration. Pero alam ko naman na kaya ko itong ipasa dahil nag review talaga ako
"Girls mauuna na akong umuwi ah sasamahan ko pa kasi si mama mag grocery ngayon" ah kaya pala nagmamadali etong si Yva kanina
"Okay ingat Yva see you tomorrow" i kissed her cheeks
Kring kring kring
"Hello Lei" sagot ko sa cellphone kong nakakarindi ang ringtone sa sobrang lakas
"Vina sabay kana samin ni Perdee sasamahan ko kasi siya bumili ng ilang tools na gagamitin niya bukas para sa project na gagawin niya" saad ni Lei sa kabilang linya
"Kayo nalang nakakahiya hindi ko naman close yung pinsan mo baka sabihin naman niyan nakikisali pa ko sainyo" seryosong sabi ko
"Ano ka ba Vina siya nga mismo nagsabi na isama ka namin kasi gusto niya daw magpakilala ng mas maayos sayo e"
Really? Magkakilala na kami ah di pa ba sapat yun?
"Okay sa labas nalang ng campus tayo magkita"
Dali dali akong tumakbo para pumunta sa cr at humarap agad sa salamin. I'm so messed up kasalanan ng exam to e. I put some lipstick and face powder para mas magmukha akong fresh kahit papano.
Teka bakit ba kailangan kong mag ayos ng ganito? Is it because of Perdee?
No, No it can't be Vina magiging distraction lang sayo yan.
Palabas na ako sa gate ng campus namin ng makita ko sina Lei at Perdee na nakatalikod mula saakin
Bakit ang gwapo niya kahit nakatalikod? Wash day namin tuwing wednesday at friday kaya kitang kita ko ang hubog ng katawan niya sa suot niyang casual attire he is wearing a simple yellow tshirt and a black shorts with a pair of white shoes. Ooh may sense of fashion ha
"Hi" bati ko sakanila
"Ow hi there my beautiful friend ang fresh mo ngayon ha sabi ko sayo bagay ang red lipstick sayo e" Lei said in a excited tone "And look ang isang Vina nag suot ng ganito ka revealing?" Sabay tingin niya sa sleeveless top
"It is what you call fashion" pabulong kong sabi at kunwaring pagmamalaki ko
"Nagpapaganda ka sa pinsan kong to no?" Inilakas niya pa ng todo na halos pati guard ay napatingin
Di ko nalang siya pinagtuunan ng pansin dahil alam kong hahaba lang ang usapan namin "Tara na alis na tayo, pag hindi ako nakauwi hanggang 6pm baka i pa search and rescue ako ni mommy ng wala sa oras" Sobrang laki ng takot ko pag si mommy na ang nagbigay ng batas niya sakin.
Nandito kami ngayon sa loob ng isang kilalang bookstore na kumpleto ng mga gamit pang eskwelahan. At sa hindi inaasahang pangyayari umeksena itong si Lei
"Ah Ulap,Vina maiwan ko muna kayo dito ha kasi may pinapabili si mama sakin sa loob ng grocery e" nag ngising aso siya kaya alam kong isa lang to sa mga pakulo niya
"Is it okay with you Vina? Pwede naman na sumama ka nalang kay Lei kung gusto mo" Perdee said in a very soft voice
Tinignan ko naman si Lei na parang bwisit sakin kung sakaling sasama ako sakanya
"Hmm sige dito nalang ako, Lei bilisan mo nalang alam mo naman ang curfew ko" saad ko kay Lei
"Yes!! Enjoy ha baka dumiretso narin ako pauwi kasi masakit na paa ko e" Hagalpak ng tawa ni Lei
"Uy wag, sabay na tayo balikan mo nalang kami dit-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil tumakbo na si Lei palabas ng bookstore
Pano na to? awkward.
YOU ARE READING
Spring Apart
DragosteViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...