CHAPTER FOUR

34 13 0
                                    

First Day

First day of class namin kaya sobrang excited ako sa paghahanda ng ilang gamit na pansamantalang dadalhin ko

Kring kring kring

Nag ring ang aking cellphone sa pagtawag ni Yva, ang dami talagang pang load ng babaita na to.

"Hello Vinaaaaa goodmorning!!" Di halatang sobrang excited niya ngayon "So pano? Sa Coffee Station nalang tayo magkita kita nila Lei okay? See you in a bit" sabay patay niya ng call

"My papasok na po ako" sambit ko kay mommy na ngayon ay naglilinis sa aming garden
"Vina paulit-ulit ang paalala ko sayo, hindi magbabago ang isip ko hanggat hindi ko nakikita na naipasa mo ang kurso na yan"
"Opo my" sabay halik ko sa kanyang pisngi

Sumakay ako ng tricycle patungo sa Coffee station malapit sa school na aming papasukan

"Hi Vina my girl omg you look so pale i think you should try this lipstick that i bought kahapon hihi look oh" sabay abot niya sakin ng pulang pulang lipstick

"Hay nako Lei kahit wala atang lipstick yang si Vina marami parin nagkakagusto diyan" sabat naman ni Yva habang umiinom ng kanyang kape

"Oh edi ikaw na hmmp wag kana nga maglipstick baka sayo pa magkagusto yung prof na tina-target ko dito" kunwaring pagtataray ni Lei

Agad naman kaming nagtawanan nila Yva. Hanggang ngayon pala yung teacher parin ang target niya malakas talaga ang trip nitong si Lei.

Spring ApartWhere stories live. Discover now