CHAPTER FIFTEEN

32 11 1
                                    



Forever

Last na banda na itong natugtog sa harapan naming, hindi ata napapagod ang crowd dahil hanggang ngayon bigay todo parin sila sa pag sigaw.

"woah!! Isa pa! Isa pa!" sigaw ni Lei sa gilid namin

Saan kaya to nakapwesto kanina at ngayon lang nagpakita saamin?

"Vina sabay nalang kayo ni Perdee umuwi mamaya ah kasi kakahiya naman sainyo" pagbibiro ni Yva

"sabay sabay nalang tayong apat" ayoko naman na mag mukha kaming PDA ni Perdee kaya nasabi ko yun

"ay hindi na Vina kaya na naming to ni Yva" sabat naman ni Lei

" Guys this is our Last Song, may I request lahat ng couples na sumayaw sa gitna ng ground dahil para sainyo itong kantang ito" pag aanunsyo ng bokalista ng banda

"Yva nandyan si sir itulak mo ko bilis" sigaw ni Lei sabay tulak sa sarili niya papunta kay Sir. Anthony kaya agad namang napatingin sakanya hindi ko na nakita ang sumunod na nangyari dahil ang alam ko nalang ngayon ay itinulak ako ni Yva papunta kay Perdee napasandal ako sa dibdib niya

"Sorry, itinulak kasi ako ni Yva" napapahiyang sabi ko

"Balik ka sa pwesto mo kasi gusto ko ako mismo lalapit sayo" ngisi niya saakin

"Nakakahiyang sumayaw, tsaka hindi naman tayo couple" saad ko sakanya

"Bilisan mo na Vina, doon din naman papunta yan" sabat naman ni Yva na kinikilig na sa gilid ko

Agad akong humakbang ng limang beses paatras para bumalik sa una kong pwesto kanina.Lumapit naman si Perdee at agad naglahad ng kamay saakin

"Vina can I have this dance?" seryosong sabi niya habang nakatingin saaking mata

Bakit ganito ang epekto mo saakin Perdee wala ka bang ginagawa tinatamaan na ako

"Sure" yan nalang ang tanging naisagot ko at agad kaming pumunta sa gitna

Nakatingin lang kami sa isa't-isa hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin sa ganitong pagkakataon, parang mas gusto ko nalang na lubus-lubusin habang kaharap ko pa siya. Ganito siguro kapag tinatamaan ka na, di ako sigurado pero isa lang ang alam ko may kung ano saakin na masaya kapag siya na ang kaharap ko. Kaya ang ginawa ko ay pumikit na lamang ako dahil parang malulusaw ako sa kanyang mga titig

"Vina" he called me

"hmm?" pagtugon ko habang nakapikit

"Tapos na yung music balik na tayo" sabi niya saakin na hindi ko ikinagulat

Agad nag dim ang ilaw sa paligid namin pero nakita ko na patuloy padin ang iba sa pagsayaw

"Can we stay like this a little bit?" hindi ko alam pero ayun ang unang salita na lumabas sa bibig ko

"We can stay like this forever my Vina, I hope you like me as much as I want you" his soft voice make my heart trembled

He pushed himself towards me and suddenly I feel his soft lips on my forehead.

At sakto naman ang pagbukas ng ilaw sa buong paligid sabay ng pagbulong ko sa kanya

"Yes I like you too Perdee" nagulat din ako saaking nasabi pero ito ang gustong isigaw ng puso ko kaya hinayaan ko na lamang.

Nakita ko ang malaking ngisi ni Perdee at ng pagbaling ko saaking kaliwa ay nakita ko ang nagtatawanan na sila Yva at Lei. Mas kinikilig pa siguro sila kaysa saakin.

Spring ApartWhere stories live. Discover now