RingVINA'S POV
"Hay napakahirap naman bumuo netong lesson plan" seryosong sabi ni Yva
"Oo nga e mahirap to kasi lesson ng elementary e matagal na tayong graduate" sabay tawa ko naman
"Nako Vina sinabi mo pa, teka san pala si Perdee?" Tanong ni Yva
"Ah busy yun mas maraming ginagawa yun kesa saakin sobrang dami ng plates na kailangan niyang tapusin" sabi ko naman
Ngayong 4th year college na kami hindi lang doble ang stress na nakapatong saamin kundi triple pa. Palagi parin kaming nagkikita ni Perdee tuwing uwian o recess dahil nagpupumilit siya kahit na tambak ang kailangan niyang tapusin palagi niyang sinasabi saakin na ako daw ang kanyang pahinga.
Ilang beses ko ng tinanggihan na magkita kami dahil gusto ko ay matapos niya muna lahat ng kanyang ipapasa, pwede naman kaming mag usap sa chat o videocall ngunit hindi siya nagdadalawang isip na puntahan ako kahit anong oras masaya na siya kahit limang minuto lang ang ibigay ko sakanya para makapag usap kami ng personal.
—————————————————————Christmas break namin ngayon ngunit busy kami sa pag gawa ng napakadaming paper works na gagamitin namin sa aming demo teaching sa January
"MERRY CHRISTMAS BABY, CELEBRATING CHRISTMAS WITH YOU IS VERY FULFILLING" sigaw ni Perdee
"Love sorry ha hindi ako nakapagdrawing ng regalo ko sayo ngayon kasi sobrang dami ko talagang ginagawa, i'm sorry babawi nalang ako" parang naiiyak na sabi niya
such a soft boy
"Ayos lang yun love, ang mahalaga saakin unahin mo yung pag-aaral mo palagi ha? Makakapaghintay naman yung drawing" i assured him
"Pero hindi ako mawawalan ng regalo sayo" sabay kuha niya ng isang maliit na pulang box sakanyang bulsa
Is he proposing to me?
"Here love its my promise ring for you" he said so calmly
"Wow" nanginginig na sabi ko "aka-la ko magp-prose ka-na" i almost choked
"Oh baby kung alam mo lang hindi na ko makapag intay, pero diba aral muna?" Sabay tawa niya
Masaya ako dahil naiintindihan niya at nauunawaan ang mga priorities namin sa buhay.
"Thank you baby, i love you so much" i kissed him
"I LOVE YOU TO THE MOON AND NEVER BACK" pagsigaw niya
"Love payagan mo ko na tulungan kita sa pag gawa ng mga visuals mo ha? Ako bahala sa drawing" pagpepresinta niya
"Diba sabi ko naman sayo hanggat kaya ko ako na ang gagawa? Hayaan mo na ako dun love ang unahin mo ay yung mga plates mo sige ka baka mawala ka sa dean list at hindi ka makagraduate" pananakot ko sakanya
"No love hindi ako papayag!! Hindi mangyayari yun no!" Hysterical na sagot niya
"Okay okay kalma ang puso mo hahaha binibiro ka lang e" pagtawa ko sakanya
"Ang panget naman ng biro mo love" kunwaring nagtatampong sabi niya
"Bahala ka nga dyan umuwi kana" galit galitan na sabi ko
"Uy joke lang love hindi naman ako nagtatampo e. What's tampo? Di ko alam yun ah" sabay yakap niya saakin
Sabay kaming tumawa dahil sa parehas naing kalokohan.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...