CHAPTER 31

13 7 0
                                    

PERDEE'S POV

Nervous


Magkakasama kami ngayon nila Lei, Yva at Vina na kumakain dito sa canteen kakatapos lang ng finals namin kaya medyo sabaw pa ang mga utak namin halos lahat kami ngayon ay nakatulala habang kumakain dahil lahat ata ng mga gusto naming sabihin ay napunta na sa aming mga essay exam.

"love, ayos ka lang ba" concern na tanong saakin ni Vina

"of course love" sabay tawa ko "nalugaw utak ko love ang hirap ng exam" pagkukwento ko

"if I know naman na baka kabisado niyo na ang sagot sa test paper dahil hindi na ata uso sainyo ang matulog" pagsingit ni Lei

"oo nga ano ba naman tong mag jowa na to may competition ba kayo ng palakihan ng eyebags?" sabay tawa ni Yva

"well ganun talaga uso to diba relationship goals " sabay halakhak ni Vina

"so pano love? Last review na mamaya para sa last exam natin bukas?" tanong ko sakanya dahil sabay kaming nagrereview

x"sure love tara Yva sa bahay ulit mamaya" pagyayaya ni Vina kay Yva

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"The scientific name of an organism is Dendroica Pennysylvanica belongs to the same?" tanong ko kay Vina at Yva ganito kami magreview uunahin ko silang tanungin at pagkatapos ay ako naman.

"Family!" proud na sagot ni Yva

"wrong" sagot ko naman sabay tawa

"Species?" parang hindi pa siguradong sagot ni Vina

"Correct love!" pagpupuri ko naman

"ano ba yan lugi ata ako dito ah" kunwaring pagtataray ni Yva


"love ikaw naman,  The area of the concrete in compression plus the area of reinforcement transferred on the basis of modular ratio, is called?"

Alam kong nabasa ko na ito at napag aralan dahil na topic namin ito sa structural design specifications kaya inisip kong mabuti para makasagot ako ng tama

"cracked section!" proud na sagot ko

"naks Perdee talino mo talaga sana all lahat" sabay hagalpak ng tawa ni Yva


Kinabukasan.


Hindi na kasing sabaw kahapon ang utak namin ngayon dahil mas madali ang naging exam naming lahat napagdesisyunan namin na kumain at tumambay muna dito sa coffee shop, may mga kaibigan din naman ako na mga lalaking engineering student pero mas madalas sila magyaya na magpunta sa bar malapit dito saamin para daw makapag "chill" kami. Kahit noong nasa US ako ay hindi ko naging bisyo ang magpunta sa mga bar para lang magwaldas ng pera at magpaka wasted kakainom kaya hindi na bago saakin na umiwas sakanila ngayon.

Buwan na ng May ngayon at ilang araw nalang ay bakasyon na namin kailangan lang naming tapusin ang aming clearance. Nag uumpisa narin akong magplano ng surpresa para sa birthday ni Vina sa susunod na buwan kasama ko sa pagpa plano sila Yva at Lei gumawa kami ng isang group chat para doon pag usapan ang lahat.

Sobrang saya ko kapag nakikita kong masaya si Vina sa mga drawing na regalo ko siya yung klase ng babae na hindi maluho, mas okay sakanya ang mga bagay na pinaghihirapan. Ngayon ay nag iisip ako ng magandang idrawing na pwede kong iregalo sakanya, palagi kong vinivisualize ang mga maaaring mangyari at yun ang dinodrawing ko.

Naisip ko ay kaming dalawa sa gitna ng napakaraming lobo at sinulatan ko ito ng "You are the air that makes the balloon in my heart float" at isang capital letter "Y" sa taas nito. Nais ko sana na mabuo ko ang salitang WILL YOU MARRY ME sa loob ng apat na taon ng pag aaral namin dahil plano ko na papakasalan ko siya kapag nakapagtapos na kami. Natatawa ako sa aking sariling isip dahil sa tingin ko ay hindi pa nahahalata ni Vina yun.

"mas maganda yun para masusurprise siya" biglang singit ni Lei sa tabi ko

Alam ng pinsan ko lahat ng plano ko dahil wala akong maitatago sa dami ng tanong nito. Mapagkakatiwalaan ko naman siya dahil nangako siya saakin nasikreto muna namin ang plano ko.

"matagal pa to e sana nga hindi niya muna mahalata" pag sang ayon ko sa pinsan ko

"alam mo Ulap mahal na mahal ka nun nakikita ko e nag sspark mata niya parang may kuryente bwhhaha" sabay tawa ni Lei ng malakas

"ganun din naman ako sakanya mahal na mahal ko din siya nangako ako na sasamahan ko siya sa lahat ng bagay at hinding hindi ako aalis sa tabi niya" ngumiti ako kay Lei

"pano pag dumating yung panahon na ipagtulakan ka niya?" pagtatanong ni Lei

Kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan siguro ay natatakot ako na mangyari yun

"hindi naman siguro, depende nalang kung bibigyan niya ako ng rason at kapag sinabi niya saaking hindi niya ako mahal" mapait na sagot ko kay Lei

Hindi. Hinding hindi ko hahayaan na mangyari na magsawa siya saakin. Hindi ko kakayanin.

Spring ApartWhere stories live. Discover now