CHAPTER THIRTEEN

28 11 1
                                    

Try

Half day lang ang pasok namin ngayon kaya maaga ang naging dismissal namin. Ang sabi samin ay 6pm daw mag u-umpisa ang mini concert dito sa ground ng aming school. Siniguro ko rin na nakapag-paalam ako ng mabuti kay mommy para hindi siya magagalit kung uuwi ako ng late mamaya

"Lei binigay mo pala kay Perdee yung number ko?" Tanong ko kay Lei na ngayon ay nag papanggap na kunwari ay nagulat

"Ah ano kasi Vina, Mapilit kasi hihi, nararamdaman ko na may tama sayo yung pinsan ko na yun e" saad ni Lei na ikinagulat ko

"Ay nako wag mo paasahin tong si Vina, baka naman nakikipagkaibigan lang talaga yung pinsan mo" sabi naman ni Yva

"Hindi e, promise kasi kagabi tanong siya ng tanong sakin tungkol kay Vina" seryosong sabi ni Lei

"Nagtext siya sakin kagabi sabi niya kung pwede daw ba siya sumama satin manood ngayon" Sabi ko sa kanilang dalawa kahit alam ko naman na alam narin ni Lei ang tungkol dun

"Edi go! Isama natin siya mamaya, Nako Vina excited ako sa magiging lovelife mo bagay pa naman kayo ni Perdee" pag sang ayon naman ni Yva

"Ay basta ako boto ako sa pinsan ko at kay Vina, papaligawan talaga kita dun, maiwan ko na kayo guys nakita ko si Sir dun sa may faculty aabangan ko lang" Dire-diretsong sabi ni Lei at agad tumakbo papalayo saamin

May konting puwang saakin na gusto ko din pero mas lamang saakin ang napag usapan namin ni mommy baka isa ito sa maging sagabal sa pag-aaral ko.

Hindi mahirap gustuhin ang isang Persus Claudee matalino siya, gentlemen at alam kong mahal niya ang passion niya. Mula nung una naming pagkikita hindi ko pa naman siya nakikitaan ng bad impression kaya pakiramdam ko ay okay naman siya makasama.

Mas gusto ko ang lalaking may pangarap kesa sa mga lalaking kaya akong paikutin gamit ang mga mabubulaklak nilang salita.

Should i give my heart a try?

Spring ApartWhere stories live. Discover now