CHAPTER SEVENTEEN

20 11 0
                                    


Different

Napilit ko si Perdee na wag na dumaan sa drive thru dahil ako lang din pala ang inaalala niya dahil baka gutom daw ako. Nandito na kami sa tapat ng aming bahay at sigurado akong tulog na si mommy dahil patay na ang ilaw sa tapat ng kanyang kwarto

"Perdee sige mauuna na ako" sabay bukas ko ng pintuan at diretsong bumaba mula sa kanyang sasakyan hindi naman ako nag-aalala na mapuyat ngayon dahil sabado naman bukas

"Thanks for tonight Vina, Can I text you later? He asked me

"sure pero pag uwi mo nalang magd-drive ka pa kasi e thanks for tonight din" pupunta na sana ako sa aming gate ng biglang

"hmm Vina your instagram?" he look so shy, what a cute man

"Oh I almost forgot buti pinaalala mo" sabay kuha ko sakanyang phone at tinype ang @ItsYourVinaGirl "there nakaprivate sorry" I opened our gate and go inside our house

"Vina" mom said in a very calm voice

So gising pa pala si mommy at sure ako na nakita niya ang paghatid saakin ni Perdee. Dumiretso agad ako sa tapat ni mommy at hinalikan siya sa pisngi

"Is that the boy who take you home last night?" she asked me ano kayang nakain ni mommy at parang kalmado siya ngayon

"yes po mommy si Perdee po yung sinasabi ko po sainyo na pinsan ni Lei" kabado parin ako sa pagsagot ko kay mommy.

"why don't you let him in ng nakilala ko man lang sana" sabay ngiti saakin ni mommy

Mabait at supportive naman ang mommy ko saakin bukod lamang sa isang bagay gaya ng pagkuha ko ng Educ na course ngayong college dahil ang dahilan niya saakin ay mawawalan daw ako ng oras sa magiging pamilya ko lalong lalo na sa magiging anak ko at kadalasan daw sa mga guro ay tumatandang dalaga dahil nakukulong na sila sa pamilya nila at sa kanilang estudyante. Naiintindihan ko ang dahilan ni mommy pero hinding hindi ko hahayaan na mangyare saakin yun.

"sige po my next time i-invite ko po siya" di ako sigurado kung handa ba  si Perdee humarap sa mommy ko at nahihiya rin ako dahil naalala ko kung paano ako umamin sakanya kanina

"invite him for dinner tomorrow dadating ang daddy mo" nagulat ako sa gustong mangyari ni mommy alam kong wala akong choice kundi sundin siya.

Umakyat na ako sa aking kwarto ng may nakita akong notification saaking cellphone at ng binuksan ko yun ay isang follow request at isang text message

Perdee:

I'm home followback please 

I immediately check my instagram and I followed him back. I saw a new post from him five minutes ago. My eyes freeze when I saw the picture he posted.

It's our picture earlier with a caption of "WITH YOU IT'S DIFFERENT"

Parang tambol sa lakas ng tibok ang puso ko ngayon, iba talaga ang tama ko sa lalaking ito.

Agad akong nagreply sa kanyang text para sabihin ang imbitasyon ni mommy

"Perdee my mom wants to meet you tomorrow she asked me to invite you for dinner, 7pm here in our house, I saw your post I'm a bit kilig" nakapikit pa ako habang sinesend ko dahil inamin ko na kinikilig ako ng kaunti na kahit ang totoo naman ay parang gusto ng lumabas ng puso ko.

Spring ApartWhere stories live. Discover now