CHAPTER 52

10 3 0
                                    

Kick

                    VINA'S POV

Ibang iba ang Perdee na nasa harap ko kanina, Isang taon at ilang buwan lang kaming nagkahiwalay ngunit napakalaki ng pinagbago niya. Halos manginig ang buong katawan ko ng hawakan niya ang braso ko kanina upang pigilan ako.

Nagulat din ako sa nangyari kanina na may babaeng basta basta nalang sumulpot para landiin siya sa harap ko. Mas lalo akong nasaktan ng magsalita si Perdee sa harap ko at ng magpaliwanag siya na hindi totoo ang nakita ko.

"How stupid of me thinking I was the only flower in you garden" I said sarcastically

"Baby No new. Still you" he said

Labis ang gulat ko ng marinig ko iyan mula sakanya para akong bumalik sa una na kahit gaano kasimple ang binibitawan niyang salita ay napakalaki na ng epekto saakin.

Hindi ako galit sakanya dahil iniwan niya ako noon, ang iniisip ko nalang ay baka may malalim siyang dahilan kung bakit at ang hinihintay ko lang ay ang panahon na maging handa na ako na pakinggan kung ano ang kanyang dahilan. Gusto niyang magpaliwanag kanina ngunit sarado ang aking utak na unawain lalo na at nauna ang kaunting inis saakin ng makita ko ang babaeng pumulupot sakanya kanina.

Agad kong tinawagan si Yva dahil alam kong hindi ito busy, sigurado naman ako na tulog si Lei ngayon dahil sa sunod sunod na flights niya ngayong linggo.

"Yva guess what Perdee's here in Punta Veronica! And he is currently doing a huge project in here his resort is almost done in a few months!" Pagkukwento ko kay Yva

"Ow wow what a coincidence at dyan ka pa talaga dinala ng pagtuturo mo ha" sabay tawa ni Yva

"May isa pa nga akong problema yung school na pinagtatrabahuhan ko ay isa sa mga napili niyang isunod sa mga projects niya balak niya i expand ito" dagdag ko pa

"That girl wanted to push me on my limits" bulong ko na narinig ni Yva

"Wait, are you saying a girl? Another girl? Perdee's new girl?" Sunod sunod na tanong niya

"Yes! Napahiya ako dun Yva alam mo ba yun! Nagwalk out ako kasi yung babae tinawag siyang "baby" kaya akala ko girlfriend niya he explained to me na wala silang relasyon at kaibigan niya lang yun" napapahiyang sabi ko

Yva chuckled "omg so you are saying that you and Perdee open a conversation again after a year and a half?" She asked

"Yes he told me that Its still me" halos pabulong na sabi ko sa cellphone

She chucked again! Louder than earlier

" Just because the past taps you on your shoulder doesn't mean you have to look back Vina kung alam mo sa sarili mong hindi mo pa siya kayang tanggapin ulit, iwasan mo muna pero kung kaya mo na at mahal mo parin I'll support you alam mo naman noon pa lang gusto ko na kayong dalawa" pagpapayo niya saakin "just kick the ass of that girl first" she said and laughed again.

Spring ApartWhere stories live. Discover now