Punch
VINA'S POV
Natatawa ako habang nakikita ko kung paano magselos si Perdee dito kay Dio hindi niya pa kasi alam ang tunay na kasarian nito, hindi matigil ang paglingon niya sa aking cellphone gusto niya atang makita kung sinong katext ko kaya ipinakita ko sakanya ito
"Oh ayan gusto mo ikaw na makipagtext kay Papa" sabay abot ko sakanya ng cellphone
"Akala ko si Dio parin yan" pag amin niya " How's tito and tita nga pala?" Pagtatanong niya
"They're fine" maikling sagot ko
"What's between you and that Dio?" He look so pissed
"Secret baka magulat ka kapag nalaman mo" at tumawa ako bago bumaba sa sasakyan niya dahil nandito na kami sa school.
"Hey Vina ako na maghahatid sayo bukas wag kana sumama dyan sa Dio na yan" pahabol na sigaw niya pa habang naglalakad ako papalayo sakanya.
—————————————————————
Maaga akong nag ayos ng ilan sa aking mga gamit na dadalhin ko pauwi saamin si Dio ang maghahatid saakin dahil namimiss niya na daw ako kaya ng makatanggap ako ng text kay Dio na nasa labas na siya ng aming camp ay dali dali akong nagpunta patungo sakanya
"Hi indzai!! Kamusta ka na! Omg nalaman ko nandito na ang one and only mo ha kapag hindi mo pa kinausap yun aagawin ko talaga sayo yun" sabay tawa niya
"Hinahanda ko lang yung sarili ko teh nag aadjust pa kasi ako sakanya e" paliwanag ko kay Dio
Laking gulat ko ng pumarada ang sasakyan ni Perdee sa harap namin binuksan niya agad ang bintana niya at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya
"Morning! Tara na Vina ako na maghahatid sayo" halata ang pagtataas ng boses niya habang nakatingin ng masama kay Dio
Agad kong hinila si Dio papunta sa likuran ko dahil baka saktan siya ni Perdee
"Dio wag mo nalang tignan baka majombag ka niyan" bulong ko sakanya
Kumapit si Dio sa braso ko at nagsalita "Dude ako na maghahatid kay Vina pasensya na" pinipilit niyang magboses lalaki
Dali daling bumaba si Perdee sakanyang sasakyan at sinuntok agad si Dio kahit na malapit ito saakin
"Don't you ever touch my girl! Matagal ka ng namumuro saakin!" Sigaw ni Perdee
"Ano ba! Bakit mo siya sinuntok! Shit may dugo!" Sigaw ko habang inaalalayan si Dio na nakabulagta na sa semento
"Sis ang sakit nasoplak ako ng possesive ex jowaers mo shuta! Ang mahal mag pa derma besh" bulong ni Dio habang naiyak
"I'm sorry Vina let's go we'll take him to the hospital" sagot ni Perdee na parang nabigla din sakanyang ginawa nawala ang galit sa mga mata niya at kitang kita ko ang takot sa kanya ng makita niyang nagalit ako sa ginagawa niya
"I can handle him go home Perdee ang aga aga nanununtok ka! Kung gusto mo makipagsuntukan doon ka sa mga trabahador ng resort mo!" Sigaw ko sakanya sabay hila kay Dio patungo sa sasakyan niya
"Tara na Dio" pagyayaya ko kay Dio
"Teka lang dzai duguan ako rito oh punasan ko lang ha? Sorry ha kasi napagkamalan na naman ako ni Perdee kung hindi lang talaga siya gwapo nako!" Pagbibiro ni Dio
Hanggang sa makaalis kami ay kitang kita ko si Perdee na nakatayo parin sa gilid ng sasakyan niya na parang hindi matanggap na kay Dio ako sumama at iniwan ko lang siya basta basta.
Humingi ako ng dispensa kay Dio pagkatapos ng nangyari ayon sakanya ay ayos lang daw dahil gwapo naman daw ang sumapak sakanya wag lang daw uulitin kasi wala na siyang budget pampaderma.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...
