Make up
VINA'S POV
Tapos na ang klase ko ngayon at nag-aayos na ako ng aking ilang gamit para makauwi na nagsabi saakin si Perdee kanina na susunduin niya daw ako kahit na sinabi ko na sakanya kagabi na sana ay itulog nalang niya.
Inabot na ako ng trenta minutos ng paghihintay dito sa labas ng school at wala paring perdee na nadating. Siguro ay natagalan lang ito sa kanyang exam
"Indai mauuna na ako ha, you know naman stress na ang bakla need ko na mag pa facial babush ha ingat sa kagat ng mga hampas lupang mosquito" sabay tawa ni Dio
"Sige ayos lang ingat ka ha, hihintayin ko lang si Perdee dadating naman yun baka natagalan lang" pahabol ko naman
Inabot na ako ng dalawang oras kakaintay dito at halos 8:30 na ng gabi hindi parin ako nakakareceive ng text o tawag mula kay Perdee kaya medyo nag-aalala na ako. Sinubukan kong tawagan ang number niya ngunit out of coverage area.
"Siguro nga pagod na yun baka nakatulog na sa bahay nila" bulong ko sa sarili ko at naghahanda na para umuwi
Pumara ako ng tricycle sa tapat ng school at agad na nagpahatid saaming bahay. Kumain narin ako dahil gabi na at malilipasan na ako ng gutom sinubukan ko ulit tawagan si Perdee ngunit wala paring nasagot hanggang sa may narinig akong sunod sunod na busina sa tapat ng aming gate at nakita ko agad si Perdee na nakatayo at parang kabado at nakauniform parin
"Love i'm sorry i'm sorry i'm sorry" sabay yakap niya habang umiiyak sa balikat ko.
Nararamdaman ko na parang may mali sa mga ikinikilos niya dahil sa tindi ng paghingi niya ng sorry saakin
"Love ayos lang ang mahalaga nakauwi na ako" kalmadong sabi ko
"Nakatulog ako sa sasakyan sa sobrang pagod ko, hindi ko namalayan ang oras and yung phone ko is lowbat" paliwanag niya
"Ayos lang naiintindihan ko diba sabi ko naman sayo umuwi ka nalang at matulog"
"Pero love you're my responsibility" sagot niya muli
"Shh" sabay takip ko sakanyang bibig
"I know, pero hindi sa lahat ng bagay love dahil hindi naman pwede na palagi akong aasa sayo""Okay i'm sorry ulit" paghingi niya ulit ng tawad sabay iwas ng tingin saakin
"Perdee may problema ba?" Tanong ko sakanya na agad niyang nilingon
"Pro- problema? Ah wa-la naman love hirap lang talaga ng e-xam" nauutal na sabi niya
"Love nagsasabi ka naman ng totoo diba?" Tanong ko ulit sakanya na hindi na ngayon makatingin sa mga mata ko, imbis na sumagot ay bigla nalang siya yumakap ng napakahigpit saakin
"Samahan mo ko kumain love gutom na ko e" sabay hawak niya sakanyang tiyan
"Ikaw naman ngayon ang nagpapabaya sa sarili mo, tara sa loob may mga pagkain pa ako dun" yaya ko sakanya
Naghain ako ng natirang pagkain ko kanina na chicken wings at chicken barbeque.Halatang gutom na gutom nga siya dahil naitaob niya ang buong kaldero ng aking kanin
"Grabe busog!" Sabay himas niya sakanyang tiyan
"Love by last week of february malalaman na natin ang result! If i know naman na ang boyfriend ko ang suma cum laude ng school hay nako ang sarap ipagsigawan" tuwang tuwang sabi ko
"Oo naman love! Ako pa!" Proud na sabi rin ni Perdee ngunit may bahid ng lungkot ang kanyang mukha.
—————————————————————
Tumawag saakin sila Mommy at papa dahil hindi na sila makapag intay sa nalalapit kong graduation na gaganapin sa isang buwan.
Ngayon din malalaman ang resulta ng finals nila Perdee naniniwala naman ako na may magandang pwesto na naman na kalalagyan ang kanyang pangalan sa Dean List. Nag paalam ako sa aming head teacher na kung maari ba akong maghalf day para lamang makapaghanda ako ng kaunting surprise para kay Perdee.
Nagpunta agad ako sa bilihan ng mga pang party decorations bumili ako ng lobo na may nakasulat na "congratulations" at umorder nalang din ako ng ilang pagkain na maaari naming pagsaluhan mamaya bumili din ako ng maliit na cake para pang dagdag sa supresa.
Nakahanda na ang lahat dito sa aming mini garden ng makatanggap ako ng tawag galing sa ibang numero
"Hello? Sino to?" Tanong ko sa tumawag
"Hmm Vina? Ikaw diba yung girlfriend ni Perdee?" Tanong ng boses lalaki sa kabilang linya
"Yes ako nga bakit?" Tanong ko naman
"Ah kasi nagpasama siya saakin dito sa district bar lasing na lasing na siya, sobra yung iyak niya kanina lalo na nung nalaman niya na bumagsak siya" sabi ng lalaki sa kabilang linya
"What??! Nagsasabi ka ba ng totoo? Wag mo kong pinagloloko dahil baka ninakaw mo lang ang cellphone niya" pagbibintang ko
"No i'm serious Vina palagi niyang sinasabi saakin dito na hindi mo pwedeng malaman dahil magagalit ka sakanya kung gusto mong malaman na nagsasabi ako ng totoo pumunta ka sa school nakapost ang result dun at nandun parin ang prof namin" and he ended the call
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko ito ba ang problemang tinatago saakin ni Perdee?
Para makasiguro ako ay agad akong pumunta saaming school at hinanap ang prof nila ngunit hindi ko kilala kung sino ito kaya tinawagan ko si Lei para magtanong
"Hello lei, anong name ng prof ni Perdee?" Tanong ko
"Hmm bakit si Sir. Escatron yun, bakit Vina teacher narin ba gusto mo ngayon?" Pagbibiro niya pa pero binalewala ko lamang ito
"May alam ka ba sa problema ni perdee?" tanong ko ulit
"What? Syempre wala no nandito kaya ako sa palawan for training and miss na miss ko na rin si Sir Antho.." sabay putol ko sa tawag wala ako sa mood para makipagkwentuhan kay Lei
Nag iintay ako dito sa labas ng faculty nila upang abangan ang paglabas ng prof ni perdee upang makausap ko ito at ng narinig ko ng nagbukas ang pintuan ay agad akong pumunta dito
"Hmm goodevening sir, I'am Persus girlfriend may i ask po kung ano pong reason ng pagbagsak niya?"
"Buti naman iha at may kakausap saakin na relatives niya i told him that i want to talk with his parents but he did not want to ang sabi niya saakin ay kaya niya raw" paliwanag ng prof "apektado ang lahat ng grades ni Mr. Fuerte iha lahat ng kanyang practical exams ay bagsak at karamihan sa plates niya ay halatang minadali at hindi niya naipapasa sa tamang oras pati ang final exam namin ay wala pa sa kalahati ang score niya"
Agad akong natulala at hindi makapaniwala sa naririnig ko. All this time nagsisinungaling lang pala si Perdee saakin hindi niya sinabi na nasa alanganin na siya
"Sir ano pong pwede niyang gawin to make up everything?" Tanong ko
"I talked to his other prof kanina at ang sabi sakin ay kailangan niyang mag take ng bagong set na exam at ulitin lahat ng plates na naipasa niya withiin 3 days by that baka bigyan siya ng consideration and maisama siya sa graduation next month" sabay talikod saakin ng teacher
Bakit hindi ko man lang pinilit na tanungin si Perdee tungkol dito? Naiiyak na ako habang papunta sa bar na sinabi saakin ng lalaking kausap ko kanina at sa hindi kalayuan ay nakita ko na si Perdee na nakasubsob ang mukha sa lamesa at muntikan pang matumba habang katabi ang napakadaming bote ng alak ang lamesa.
Damn! My love

YOU ARE READING
Spring Apart
عاطفيةViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...