CHAPTER TWENTY THREE

24 9 2
                                    




Yes

Sobrang busy naming ngayong araw dahil sa dami ng pinamili ni Mommy at Papa na handa namin para mamayang noche Buena. Ako ang inatasan ni Mommy na gumawa ng mga desserts dahil siya ang magluluto ng ibat-ibang putahe ng ulam.

Tuwing gabi ay palagi kaming magkausap o magkachat ni Perdee habang tumatagal ay mas lalo ko na siyang nakikila sinabi niya saakin na hilig niya raw ang matatamis kaya naman nag suggest ako kay mommy na maghanda kami ng maraming dessert mamaya, Naikwento narin saakin ni Perdee na ang kanyang ama ay nasa U.S dahil ito ang nag aasikaso ng business nila doon, kaya siya umalis sa U.S dahil gusto niyang maging independent at ipakita sakanyang mga magulang na kaya niya ang sarili niyang buhay, ngunit pinayagan lamang siya ng kanyang ama kung doon siya titira sa bahay nila Lei para kahit papano daw ay may nag-aalaga parin sakanya.


Beep* I received a text message from Perdee

Can't wait to see you later.



"hmm anak balita ko maganda ang resulta ng mga grades niyo ni Perdee ah? proud na proud ako sainyo gawin niyong inspirasyon ang isat-isa" sabi ni Papa na ngayon ay nakatayo na sa aking gilid

"Yes po papa, Promise po" sambit ko na ikinangiti niya

Maayos na ang lahat ng aming handa, nakaready narin ang ilan sa aming paputok para mamayang pagsalubong naming sa pasko

Beep*

Perdee: I'm on my way love

Agad akong naghanda ng aking sarili nakasuot ako ngayon ng red backless dress napagdesisyunan naming ngayon na magsuot ng pula dahil ito ang simbolo ng pasko.Dali dali akong lumabas ng aming gate ng maramdaman ko ang sasakyan na pumarada.

Lumabas si Perdee mula sa kanyang sasakyan na may dalang tatlong paper bag na mga regalo, He is wearing a red button down shirt and a white shorts with his new branded white shoes.

Ang gwapo niya grabe! Hindi hindi ata ako magsasawa tignan ang lalaking ito

"Merry Christmas my love" then he kissed my forehead

"few more hours pa no" sabay halakhak ko

"you look stunning in a red dress" sabay tingin niya sa kabuuan ng suot ko

"Thank you, bagay din sayo ang suot mo ngayon ang gwapo mo, Let's go inside nagiintay na si Mommy at Papa" sabay hawak ko sakanyang kamay at hinila siya papasok ng aming bahay.

"Oh iho, nandyan kana pala kay gwapong binata mo naman ngayon para ba yan kay Vina ko?" sabi ni daddy at tinapik ang balikat ni Perdee

Perdee chuckled a bit siguro ay nahihiya siya dahil pinuri siya ni Papa "hmm tito Victor para sainyo po pala" sabay abot niya ng paper bag kay Papa

"thanks iho, come on sa dining area nandun si Ivy para makita ka" sabay lahad ni Papa ng daan patungong dining area

"Perdee halika rito dali at ng matikman mo ang mga dessert na ginawa ni Vina para sayo" nakangiting sambit ni mommy

"Merry Christmas po tita here's my little present for you po" sabay abot ni Perdee ng isang maliit na paper bag kay Mommy na sa tingin ko ay relo ang laman

"Salamat iho, let's eat na konting oras nalang mag uumpisa na ang countdown" excited na sabi ni mommy

Masaya ang naging hapunan naming kitang kita ko kung paano nagustuhan ni Perdee ang mga dessert na nakahain. Nandito na kami sa labas ng aming bahay dahil isang minuto nalang ay pasko na agad kaming nagsindi ng aming mga kwitis at nakita kong inihanda ni Perdee ang kanyang cellphone para sa picture at video

5.....4.......3.......2...........1

"MERRY CHRISTMAS" sabay sabay naming sigaw ngunit nagulat ako ng biglang itinapat saakin ni Perdee ang kanyang cellphone at agad nagsalita


"Will you be my girlfriend Vina?" his teary eye reflected how beautiful the fireworks above us


natulala ako sakanyang tanong, pero nakakatuwa dahil una palang ay alam ko na ang aking sagot


"Yes Perdee" sagot ko sabay yakap sakanya


Another very romantic moment with you again my love.

Spring ApartWhere stories live. Discover now