CHAPTER NINETEEN

17 11 0
                                        

Court

Magkakaharap kami ngayon nila mommy, Papa at Perdee dito saaming dining table, nararamdaman ko ang medyo pagkailang ni Perdee dahil nakatingin sakanya si Mommy and Papa

"Salamat sa bulaklak iho talaga namang nag abala ka pa, So pinsan ka pala ni Lei?" Tanong ni mommy kay Perdee

"Opo, I'm Persus Claudee Fuerte po" pakilala naman ni Perdee habang nag uumpisa na kaming kumain lahat

"Your name sounds unique kaya naman pala Perdee ang palayaw mo" nakita ko na malaki ang ngisi ni mommy kay Perdee sa palagay ko ay gusto niya ito para saakin.

"Iho manliligaw ka ba ng Vina ko?" Biglang sabat ni papa

Napatikhim si Perdee, siguro ay nagulat din sa biglaang pagtatanong ni Papa "ahmm kung papayag po sana kayo at si Vina" paglalakas loob ni Perdee.

"Walang problema saakin iho, basta ang mahalaga saakin ay mag-aaral ng mabuti si Vina dahil may kondisyon kaming dalawa niyan" sagot naman ni mommy, siguro ang tinutukoy niya ay ang pagkuha ko ng lisensya bilang guro

Nakita ko ang ngisi ni Perdee at agad siyang napatingin saakin na para bang sagot ko na lamang ang kanyang iniintay, Nag iwas ako ng tingin dahil nahihiya ako na marinig nila Papa ang gusto kong sabihin

"Ang gusto ko lamang iho ay sana makapagtapos parin kayo, ayokong magpadalos-dalos kayo sa inyong desisyon at wag na wag mong sasaktan ang Vina ko" seryosong sabi ni Papa

"Makakaasa po kayo Sir, Ma'am" baling ni Perdee kay Mommy at Papa

"Tita at Tito nalang Perdee, at ipapaalala ko lang na sana ay gamitin niyong insipirasyon ang isat-isa para matupad niyo ang inyong pangarap" pagpapayo saamin ni mommy

Nananatili akong tahimik dahil hindi ko pa ma-iproseso sa aking utak kung gaano kabilis ang mga pangyayari, parang kailan lang kami nagkita ni Perdee at ngayon ay kaharap na siya ng aking magulang dahil gusto na niyang manligaw saakin.

Patuloy lamang kami sa pagkain at kitang kita ko kung gaano ka seryoso si Perdee sa pagkain na tila ba bago sa panlasa niya lahat ng ito.

"Iho ano nga palang kurso ang kinukuha mo?" Pagbasag ni Papa sa katahimikan

"Civil Engineering po Tito medyo mahirap po pero dahil iyon po ang gusto ko ay masaya ako sa aking ginagawa" proud na sagot ni Perdee

"Mabuti naman kung ganun iho, dahil iyang si Vina ay nagpumilit na kumuha ng kursong Educ ngayon ayoko sana ngunit mapilit dahil nangako naman siyang pagbubutihin niya" pagk-kwento ni Mommy

"Let's not go there Ivy, Nagustuhan mo ba ang inihanda namin iho?" Tanong ni Papa

"Opo tito lalo na po itong caldereta" sabay turo ni Perdee sa caldereta na nasa gitna

"Nako paborito din yan ng Vina namin" sabay tawa naman ni papa

Natapos na ang aming dinner at nagpasya narin si Perdee na magpaalam na kala mommy

"Tita, tito thanks for the dinner po" pasasalamat ni Perdee

"Walang anuman Perdee aasahan ko na babalik ka pa ulit" ngiti ni Mommy sakanya

Inihatid ko na si Perdee sa aming gate nakakatuwa na alam kong tanggap siya ng aking mga magulang sagot ko nalang talaga ang kulang

"Hmm Perdee, Yes" sabi ko sakanya na ikinagulat niya

"Yes?" Kunwaring pagtatanong ni Perdee

"Yes, Perdee I'm allowing you to court me" sabay ngisi ko sakanya at nagpaalam na ako bago pumasok sa aming gate.

Spring ApartWhere stories live. Discover now