Pink RosesHindi parin mawala sa isip ko kung bakit letter W ang nakalagay sa drawing na bigay saakin ni Perdee, Itatago at iingatan ko talaga ito dahil ito ang unang bagay na binigay niya saakin.
"grabe Vina hindi ko inexpect na ganyan ka chessy ang pinsan ko na yan manang mana talaga kay tito alam mo ang daddy ni Ulap sobrang close ko napakabait nun kaya nga nagtataka ako kung bakit iniwan siya nung mommy ni Perdee e" pagkukwento ni Lei
"Bakit naman daw naghiwalay? May mga kapatid ba si Perdee?" tanong ko naman kay Lei
Nagkakasama naman kami ni Perdee pero hindi ko pa naitanong sakanya kung nasaan ang kanyang pamilya kaya ngayon ay interesado akong making kay Lei
"mag isa lang yan no! kasi si Tita Pauleen hindi niya kayang ipagpalit yung business na pamana sakanya ng lola ni Ulap, masyado siyang nakulong sa trabaho niya kaya napabayaan niya ang pamilya niya, pero napakabait niyan ni Ulap kasi hindi siya nagalit sa mommy niya hanggang ngayon nakakausap niya pa yun" seryosong sambit ni Lei
Ngayon ay may ideya na ako sa buhay ni Perdee sobrang saya ko dahil saakin binigay ng Diyos ang ganitong klase ng lalaki na walang ibang ginawa kundi pahangain ako.
"Ano nga palang plano ng pamilya niyo this Christmas Break?" tanong ni Yva
"Ah wala naman, baka sa bahay lang din kami kasi busy si Papa sa work niya lalo na ngayon at malakas ang demand ng business naming dahil magpapasko na" sagot ko naman sakanila.
Uwian na namin at dahil sa bahay magdi-dinner si Perdee sabay kami ngayon uuwi. Nagtext saakin si Perdee na intayin ko daw siya ditto sa Coffee Shop dahil may bibilhin lamang siya.
"Vina for you" nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya mula saakin likuran habang hawak ang isang bungkos ng Pink Roses
"wow pink naman ngayon ha anong meaning nito?" ramdam na ramdam ko ang pagpula ng aking pisngi sa sobrang kilig
"Pink Roses symbolizes Grace and Joy, masaya ako dahil sa achievement na nakuha natin at masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko, Let's go" nakangiting sabi niya saakin sabay hawak sa aking kamay at inilahad saakin ang pintuan ng kanyang sasakyan.
Tuwang tuwa si mommy ng makatanggap din siya ng kaparehong kulay ng rosas ng saakin, ang sabi ni Perdee ay masaya din daw siya dahil pinayagan siya ni mommy na manligaw saakin.
"Maganda ang nagiging resulta ng pag-aaral mo Vina sana ay hindi ako nagkamali na payagan ka sa kursong yan" proud na sabi saakin ni Mommy
"thankyou po mommy pangako ko po yan, mas nakakaproud po si Perdee dahil siya po ang nangunguna sa klase nila" tugon ko kay Mommy na agad ikinangiti nito
"Wow talaga ba iho, pinapabilib niyo akong dalawa malamang ay matutuwa ang iyong mga magulang kapag nalaman nila yan"
"oo nga po e, sigurado po akong ganyan din ang magiging reaksiyon ni mommy" natatawang sabi ni Perdee
Ngayon sigurado akong wala ngang problema sa pamilya si Perdee kahit na hiwalay ang kanyang mga magulang.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...