LovelyAgad kaming pumwesto ni Yva dito sa bandang harapan ng stage para malapit kami sa mga banda na tutugtog dito mamaya
"Ang tagal naman ata nung magpinsan na yun?" tanong sakin ni Yva
"Hayaan mo na may pwesto na tayo dito e baka kapag umalis tayo mawala ito" sagot ko kay Yva na ngayon ay abang na abang na sa unang banda na lalabas.
Nagsimula na ang unang banda sa pagtugtog pero di ako mapakali dahil wala pa si Perdee at Lei hanggang sa may namataan akong pamilyar na lalaki sa bandang kaliwa ko nung una akala ko mali ako pero nung nagtama ang aming mga mata sigurado ako na si Perdee na ito.
He is wearing casual attire again isang White Tee at black pants with a pair of white shoes again. Grabe pano niya nagagawa na maging malakas ang dating kahit naka t-shirt lang? Nakita ko kung gaano kadaming babae ang nakatingin sa paglalakad niya patungo dito saamin at ayun si Lei malayo ang tingin at ng sinundan ko ang tinitignan niya walang duda iyong prof na patay na patay siya.
"Hi, medyo nalate ako kasi nagpasa pa ako ng project sa prof namin bago ako dumiretso dito" he explained
"okay lang ano ka ba, pero si Vina kasi e kanina ka pa iniintay" sabay kindat ni Yva saakin
"talaga ba? Sige sa susunod hindi na ako malelate" may halong ngisi na sabi ni Perdee
"aba at naghihintay ka pa pala ng susunod ha, ayie Vina may tama nga sayo to" sabat ulit ni Yva
Napapahiya na ako sa harapan nilang dalawa kaya ang tanging ginawa ko nalang ay umiwas ng tingin.
Paano kung may gusto nga saakin si Perdee kaya ko bang mag take ng risk para sa isang to? Hindi ko rin naman siya kayang paasahin, siguro nga habang maaga pa hanggat kaya kong pigilan gagawin ko na.
Pinilit kong mag focus sa bandang natugtog sa harapan namin at pinipilit kong kalimutan na katabi ko lang si Perdee hanggang sa naramdaman ko na medyo dumikit saakin si Perdee at may ibinulong
"You're Lovely, No I mean loveliest" sabay ngisi niya
Masyadong malakas ang music dito sa pwesto namin pero sigurado ako sa narinig ko. Nag-iinit ang aking pisngi sa kilig na nararamdaman.
Nilingon ko siya na ngayon ay nakatingin sa harap ng stage at sumasabay pa sa pagkanta. Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa. Effective pala talaga ang pag papaganda na ginagawa ko ha?
Perdee are you worth the risk?

YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...