CHAPTER 42

22 7 2
                                    

Sorry

VINA'S POV

Nang makita ko si Perdee kagabi na lasing na lasing sa bar ay parang nadudurog ang puso ko, hindi ko akalain na kaya niyang magpakalasing ng ganun, hindi ko man alam ang buong pangyayari kung bakit bigla siyang nagkaganun ay hindi ko parin kayang magalit sakanya, naiintindihan ko na gusto niyang ipaliwanag saakin kagabi ngunit alam kong lasing siya at ayaw ko naman na may mangyari sakanya kung bigla nalang siyang mag breakdown kaya minabuti ko nalang na talikuran siya at umuwi nalang.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko habang nagkakabisado ako ng aking mga explanation para sa lesson ko bukas sa aking final demonstration dito nakasalalay ang akong grades para ngayong finals kaya kailangan ko itong galingan. Walang minuto na hindi dumaan sa isip ko ang pag iyak ni Perdee sa harapan ko, sana ay magtiwala siya saakin at sabihin niya kung bakit siya nagkaganun. Nasobrahan si Perdee sa pagtupad niya ng pangako niya saaakin na sasamahan niya ako sa lahat dahil ngayon ay ang sarili at pag-aaral niya naman ang hindi niya naatupag.

Sinisisi ko ang aking sarili dahil pakiramdam ko ay nagkulang ako sa pag-papaalala sakanya at nagsisisi ako na pinagbibigyan ko siya na sunduin at ihatid pa ako sana pala ay mas nag matigas nalang ako baka sakaling nagawa niya pa lahat ng importanteng bagay na dapat niyang gawin.

Sa ngayon ay isa nalang ang naiisip kong paraan para makabawi siya iiwasan ko muna siya at bibigyan ng panahon pansamantala para mapagtuunan niya ng pansin ang huling pagkakataon na ibinigay sakanya ng kanyang prof para maka graduate kaming dalawa.

——————————————————————

Patapos na ako sa aking pagtuturo ng biglang nakita ko ang pagdungaw ni Perdee sa bintana ng classroom na ito. Pinilit kong wag mautal sa aking mga sinasabi ngunit hindi ko maiwasan dahil nadidistract ako sakanya naiiyak ako sa Perdee na nakikita ko bagsak ang katawan at parang walang lakas na nakatayo sa harap ng bintana habang nakatanaw saakin, sinamaan ko siya ng tingin dahil gusto ko siyang paalisin doon dahil ang inaasahan ko ay nasa school siya ngayon upang asikasuhin ang ilang plates na kailangan niya ipasa.

"Congratulations Vina! You got Uno!" Masiyang bati saakin ni Ms. Glaiza ang head teacher namin.

"Thankyou Miss" sabay lahad ko ng aking kamay

"See you on graduation!"

Dali daling hinahanap ng aking mga mata si Perdee at nakita ko siya sa may shed dito sa mini garden habang kausap ang ilang mga bata na sa tingin ko ay nasa Grade 2 lamang.

"Love!" Pagkakita niya saakin sabay yakap ng mahigpit

"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa school ka para asikasuhin lahat ng ipapasa mo?" Tanong ko sakanya sa medyo mataas na boses

"Kamusta love? Pasado ba? I'm sure oo kasi ang galing galing mo e" pagbabalewala niya sa tanong ko

"Perdee! I'm asking you, you should be in school kasi diba last chance mo na to?" Tanong ko ulit

"Love, I can't hindi ko pa kaya sa ngayon please just let me explain everything" i saw his tears falling

"Perdee konting panahon lang ang binigay sayo! Nakalimutan mo na yung pangarap mo kaka asikaso mo saakin" sabi ko habang naiyak

"No love hinding hindi ko nakalimutan yun" sabi naman ni Perdee

Tinalikuran ko na lamang siya dahil pakiramdam ko ay babagsak ako sa sobrang sakit sa pakiramdam na nakikita kong naiyak ang lalaking mahal ko sa harapan ko

"Please Vina let's talk" sabay hawak niya saaking mga braso

"Perdee please let me go pagod na kong nakikita na nahihirapan ka dahil sakin" parang sinaksak paulit ulit ang puso ko habang binabanggit ko ang pangalan niya

"Vina hinding hindi ako nahirapan o napagod man lang pag dating sayo alam mo naman na ikaw ang kalakasan ko diba" Perdee says without looking at me

"Magpahinga muna tayo Perdee hindi ko gusto yung ganito na sakin lang umiikot mundo mo, Perdee please distance yourself from me" hindi matigil ang aking paghikbi

"Pwede kong gawin lahat Vina just please wag yung ganito, Anong gusto mo? Pangako babawi ako tutuparin ko yung pangako ko sayo. Diba alam mo naman kung gaano kita kamahal? Vina please wag ganito ayusin natin to, Hindi ko kayang makita na masaya ka kahit wala ako" pagluhod niya sa harapan ko.

Tanging pag-iling lang ang naisagot ko sakanya.

"Okay, If that's what you want my Vina palagi naman akong talo pagdating sayo" I saw his tear dropping into his cheeks and he held my hand "Please reach your dreams without me my love" then he reach for my forehead and kissed it.

"I can reach my dreams without you Perdee isa ka lang distraction sakin!!" yan nalang ang tanging paraan ko para masaktan siya at tuluyan na iwan nalang ako

Perdee para sayo din to, hindi pwedeng ako lang ang matutupad ang pangarap dapat ikaw rin.

"I'm sorry Vina, This is the last time i promise"

Yan ang huling salita na binitawan ni Perdee sa harapan ko at tuluyan niya na akong tinalikuran. Napaupo ako sa lupa na kinatatayuan ko dahil nagsisisi ako sa sinabi ko, nasaktan ko ang taong mahal na mahal ko.

Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukan kong tawagan ang number ni Perdee para bawiin lahat ng sinabi ko ngunit nagriring lamang ito at ng subukan ko ulit ay out of coverage area na ito siguro ay pinatay niya ang kanyang cellphone upang hindi ko na siya matawagan.

Nakauwi na ako sa aming bahay ng hindi ko namamalayan, hindi ko rin naisip na naglakad lamang ako pauwi dahil sa sobrang lutang ng aking isip.

Nagbihis agad ako pagkadating ko sa aming bahay hindi ko na inisip pa ang kumain dahil hindi ko kaya buong magdamag akong nagkulong saaking kwarto at walang tigil sa pag iyak.

Agad kong binuksan ang aking cellphone at nag iwan ako ng message kay Perdee sakanyang instagram para sigurado akong mababasa niya parin ito

"If growing without each other can help us, let's do it. Let's help each other grow a little distance my love."

I still hope that You and I somehow end up happy together.

Even if we don't talk, always remember that I love you.

I'm sorry.

Spring ApartWhere stories live. Discover now