CellphoneMasaya ang naging unang araw naming magkakaibigan pero sa tingin ko si Lei ang excited pumasok bukas kahit pauwi palang kami ngayon.
"Hayy" habang nakahawak sa kanyang dibdib "Ako na ata ang pinakaswerte ngayon remember guys yung teacher na sinasabi ko sainyo? Prof ko siya sa isang major subject ko wahhh" sabay tili niya. Tanging si Lei lamang ang napahiwalay samin ni Yva ang course dahil tourism ang kanyang kinuha.
"Hoy Lei tumigil ka dyan teacher yun oy! Wala kang chance dun mawawalan ng lisensya yung teacher na yun kapag pinatulan ka" pagkontra ni Yva
"Okay fine crush lang naman e ang corny mo" pagmamaldita ni Lei
"Teka lang guys mag c-cr muna ako naiihi na talaga ako kanina pa e" paalam ko sakanila
Habang naglalakad ako patungo sa cr ng ground floor ng school na to may nakita akong kumpol ng mga lalaki na nakatayo malapit sa pinto ng banyo na papasukan ko tila may iniintay sila.
"Ahh pano ba ko dadaan dito nakakahiya sht" bulong ko sa sarili ko "kalma self kaya ko to dadaan lang naman ako kunwari nagcecellphone ako" agad kong kinuha ang cellphone ko at kunwaring nagchachat.
Hanggang sa pagdaan ko ay saktong pagbangga ko sa pamilyar na lalaking sumalubong sa daraanan ko. Agad tumilapon ang aking cellphone at natanggal ang back case nito at battery
"Argh ano ba yan bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Pinanatili kong kalmado ang boses ko habang pinupulot isa isa ang pyesa ng cellphone ko
Tinignan ko siya pero bakit nakatulala lang siya na parang wala lang sakanya yung nangyare.
"Ano titingin tingin ka lang?" Sabay tulak ko ng bahagya sakanya "kapag nasira tong cellphone ko papalitan mo to" medyo tumaas ang boses ko kasi nakita kong naglalaro ang ngisi sakanyang mga mukha.
His eyes caught mine, parang kung anong meron sa mata niya na hindi ako magsasawang tignan, also his fair skin hindi masyadong maputi hindi rin naman maitim, Higit na mas matangkad siya kesa sakin at sumisigaw sa pagiging natural na mapula ang kanyang mga labi.
"Ano ba tong naiisip mo Vina! Galit ka diba magalit ka!" Bulong ko sa sarili ko
"You know what i don't care" sabay tulak ko sakanya "Can you please move? Ang laki mong harang e" sabay walk out ko at dire-diretsong pumasok sa cr ng girls.
"Ang panget ng first day ko minalas agad" habang inaayos ko ang cellphone ko ay napatingin rin ako sa salamin sa harap ko
"Sht! Bakit ganito mukha ko? Ano nalang sasabihin niya, ang lakas ko mag inarte pero di naman bagay sa mukha ko?" Habang naglalagay ng konting powder sa aking mukha.
Hobby ko na siguro ang magsalita at kausapin ang sarili ko. What a bad habit.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...