Flight
Bakasyon na namin ngayon halos parehas lang palagi ang routine namin ni Perdee noon ay palagi siyang dito nag d-dinner ngayon naman ay halos umaga palang nandito na siya para tulungan si Mommy sa pagdidilig, paglilinis at kung ano ano pa. Nag- usap din kami ni Mommy sa plano nila ni Papa ngayon na mananatili sila sa ibang bansa sa loob ng ilang taon dahil isa sila sa mag-aasikaso ng business ng aking tita doon. Pumayag naman ako dahil nangako naman sila mommy na uuwi sila dito kapag may importante akong okasyon.
"Iho. Ikaw na muna ang bahala kay Vina ha dahil magiging busy kami ng tito mo kami kasi ang kailangan mag asikaso ng business ng kapatid ko"
"sure po tita makakaasa po kayo" sagot naman ni Perdee
Alam ko naman na kaya ko na ang sarili ko kaya ayos lang saakin kung pansamantala muna sila doon uso naman na ang videocall kaya hindi ako maho-homesick. Sa susunod na buwan na sila mommy aalis kaya lahat ng gawaing bahay ay itinuturo niya saakin.
Nang matapos kong gawin lahat ng trabahong bahay ay nandito kami ngayon ni Perdee saaming maliit na garden
"so business oriented din pala ang family mo love" biglang pagtatanong ko kay Perdee
"hmm oo lalo na si Mommy di niya kayang bitawan yung business na binigay sakanya ni Lola mahal na mahal niya yun e, si dad naman hindi talaga siya into business noon nagbago lang ang isip niya dahil sa mga nangyare" pagkukwento ni Perdee
"bakit ano bang nangyare?" pag uusisa ko
"Attorney kasi si dad dati kaso nagalit siya sa sarili niya noong hindi niya naipanalo yung kaso nung napagbintangan na janitor sa kompanya ni Lola dati na nagnakaw ng pera, isa din yun sa dahilan kung bakit nagkahiwalay sila mommy at daddy dahil hindi kayang pigilan ni mommy si lola na iatras yung kaso" malungkot na pagkukwento ni Perdee
"kaya ang ginawa noon ni daddy ay binitawan niya ang pagiging abogado dahil nawalan siya ng tiwala sa sarili niya pero tinulungan parin ni daddy yung janitor ang ginawa niya ay humingi siya ng tulong sa kaibigan niya na si Tito Benedict na attorney rin sinabi niya na siya ang magpanalo ng kaso na iyon, Yun lang ang naisip na paraan ni daddy para hindi malaman ni Lola na tumutulong siya sa kaso dahil baka pati ang kompanya na mahal na mahal ni Mommy ay agawin sakanya ni Lola" seryoso siyang tumingin saakin at nakita ko kung gaano niyang pinipilit na intindihin ang sitwasyon ng pamilya niya
"hanga ako sayo Love kasi hindi ka nagtanim ng sama ng loob sakanila" sabay yakap ko sakanya
"wala namang magagawa ang sama ng loob ko love, kahit anong gawin ko pamilya ko parin sila" he smiled at me
Inabot kami ng gabi sa pagkukwentuhan kaya naman nagpasya na siyang umuwi.
Lumipas ang isang buwan at ito na ang araw na ihahatid namin sila mommy at papa sa airport
"Vina my dear I know that you can handle yourself by your own, nandyan naman si Perdee kaya panatag ang loob namin ng Mommy mo na maiwan ka muna pansamantala wag kang mag alala dahil hindi naming papalampasin lahat ng importanteng okasyon na darating love you darling" sabay halik ni papa sa nook o
"iloveyou too pa ingat po kayo doon ni mommy palagi po kayong tumawag ha" bilin ko sakanila
"of course Vina, sya papasok na kami sa loob Perdee alagaan mo ang anak namin ha" pag uutos ni Mommy
"bye pa, mommy I love you both!" at yumakap na ako sakanila.
Umuwi nadin kami agad ni Perdee pagkahatid namin kala mommy napag usapan din namin na sabay na kaming mamimili ng aming mga gagamitin pa sa susunod na pasukan.
Isang buwan nalang ang bakasyon namin at mas gugustuhin ko pang pumasok nalang kaysa nandito sa bahay dahil namimiss ko lang sila mommy.
Kring kring kring
"Lei napatawag ka?" Tanong ko kay Lei
"Omg Vina alam mo ba nakita ko na yung sched namin para sa darating na pasukan ang guess what" bigla siyang tumili sa kabilang linya
"Prof ko ulit si Sir. Anthony!!!! Waaah ilang linggo nalang naman magkikita na ulit kami huhu" parang bata niyang pagrereklamo
Malakas talaga ang tama nito kay Sir Anthony naikwento narin saakin ni Lei na pag ka graduate namin ay siya na ang manliligaw para daw hindi mawalan ng lisensya si Sir Anthony tsk tsk tsk.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...
