CHAPTER 48

6 3 0
                                    

Gay

PERDEE'S POV

Mula ng dumating ako dito sa US ay nag deactivate ako ng lahat ng aking social media accounts mas pinili kong gawin ito para hindi ko muna mamiss si Vina, isa sa mga rason ko kung bakit ako lumayo ay upang dito ko maipagpatuloy ang aking pangarap... aming pangarap. Ayokong biguin si Vina sa pangalawang pagkakataon kaya magsisikap ako dito.

Papanindigan ko ang sinabi ko sakanya noong gabi bago ako umalis na lumuwag lang ang hawak ko sakanya pero hinding hindi ako bibitaw. Kaya naman pagkadating ko dito ay inasakaso ko na agad lahat ng aking mga papel para sa papasukan ko ngayong 4th year college ulit ako.

Apat na buwan narin ang lumipas na wala akong naririnig na balita tungkol kay Vina ang huling nalaman ko lang ay yung araw na gumraduate siya dahil nakausap ko pa noon si Lei. Pero ngayon ay hindi ako makatiis kaya kinausap ko si Spear at may pinahanap ako sakanya sa instagram

"Spear, can you find @ItsYourVinaGirl on instagram?"

"Oooh is that a chic bro?" Tanong niya

"Fck back off dude she's my girl" sabay suntok ko sakanyang balikat

"Kaya naman pala na enjoy mo sa pinas persus, so dahil nandito ka sa US ngayon akin ka" pagsingit naman ni Catie

"Are you kidding me Catie! You're not my type" i said seriously

"You will like me just take it easy nahihirapan ka lang aminin" sabay halakhak niya

"In your dreams!" Sigaw ko naman

"Hey bro wala namang post e" singit ni Spear

"Can i see?" Sabay kuha ko sakanyang cellphone

Nagscroll ako ng nagscroll sa mga tag photos sakanya na puro picture nung graduation hanggang sa may makita akong pamilyar na picture ng isang lalaki kasama si Vina

"Damn! Kilala ko to e this bastard!" Halos ibato ko na ang cellphone ni Spear sa nakita ko

Si Vina at yung kaibigan niya na si Dio na pinagseselosan ko, magkayakap habang nakataas ang mga graduation hat nila at may caption na "we made it congrats to both of us"

"Mukha namang bakla sa pose palang nila mas lalaki pang tignan si Vina!" Wala sa sariling sabi ko

"Bro easy anong problema? Give me my phone baka masira mo pa to" sabay halik ni Spear sa kanyang screen

"Kahit bilhan pa kita ng sampung ganyan" pagyayabang ko

"Ay sige bro sirain mo na three months palang saakin yan e deserve ko yung sampung cellphone na bago kasi graduate na ko" sabi ni Spear habang tumatawa

"Dyan kay Catie magpabili ka para sayo naman mapunta atensyon niya" bulong ko kay Spear habang tumatawa

"No way bro tropa lang turing ko dyan sayo na yan di ako pumapatol sa kaibigan" pag tanggi ni Spear.

"I have a girlfriend in philippines bro, i just have to fix something here at pag uwi ko papakasalan ko pa siya" paliwanag ko kay Spear na ngayon ay gulat na gulat

"Really bro? Nasa isip mo na yan ngayon? Who's that lucky girl anyway?" Tanong niya

"Persus! I dont think that girl deserves you" biglang singit ni Catie na hindi ko inaasahan na maririnig niya

"Yes that is true she doesn't deserve me now, because she deserve something more. I'm the one who's lucky because i have her. She's everything i want and dont ever throw dirty shits to my girl" sabay ngising aso ko kay Catie na ngayon ay hindi na makilala ang mukha sa sobrang sama ng tingin saakin.

Kahit paulit ulit kong sabihin yan sa harap ng maraming tao ay hindi ako magsasawa dahil ganun ko siya kayang ipagmalaki ipagsigawan at ipagmayabang sa buong mundo.

Spring ApartWhere stories live. Discover now