Breakdown
PERDEE'S POV
Hindi ako nakaramdam ng excitement noong sinabi ni Edward na nakapost na sa bulletin board ang mga resulta ng aming grades lahat ng tao sa paligid ng registrar ay nagbubunyi na tila ba excited na sila sa pagtanggap ng kanilang mga medalya sa paparating na graduation namin.... nila
Narito lamang ako sa may maliit na shed ng aming school habang dinodrawing ko ang regalo ko kay Vina para sa sabay naming pag graduate... sana
Iginuhit ko ang isang lalaki at babae na magkaakbay at may hawak na diploma at isinulat ko sa baba ng drawing na ito ay "Under the stars we pray to graduate and cherish our success together and now, here we are.
I'm sorry my love I promise you na mauuna ka lang gumraduate pero susunod ako sayo, Magiging matagumpay tayo" at isang capital "U" sa pinakataas nito napapangiti ako sa aking sariling isip dahil nabuo ko na ang word na "WILL YOU".... marry me nalang ang kulang.Habang ginuguhit ko ito ay hindi ko mapigilan na mapaiyak dahil ito ang unang beses na binigo ko si Vina, at ang masakit pa para saakin ay ang nag iisang pangarap namin ang sinira ko.
"Mr. Fuerte may I talk to you? Follow me to my office" Pagsasalita ni Sir. Escatron ng hindi ko namamalayan
"I need to talk to your parents iho dahil magagawan pa ng paraan ang mga grades mo kung mag t-take kang muli ng bagong set ng exam at magpapasa ulit ng iyong mga plates, iho last last chance mo na ito kapag hindi mo pa ito nagawa ay hindi ka mapapasama sa mga gagraduate mag uumpisa narin ang mga students sa pag papractice ng graduation march nila" paliwanag ni Sir
"I'm sorry sir busy po sila, I can handle this po" sabay talikod ko
Unti-unti akong nanlumo dahil alam kong hindi ako madadamayan ng mga magulang ko ngayon lalo na at ganito ang sitwasyon namin.
"Bro samahan mo naman ako sa bar i need to freshen my mind" sabi ko kay Edward
"Seryoso ka ba bro? Alam ba yan ng girlfriend mo? Diba hindi ka naman nag babar at umiinom?" Tanong niya saakin
"Just please bro kahit ngayon lang at wag mong sasabihin kay Vina kahit anong mangyari magagalit saakin yun"
—————————————————————
Nakailang bote ng beer narin ako at hindi ko na namamalayan pa ang oras ito nalang ang naiisip kong paraan para pansalamantalang makalimot sa problema
"Magagalit saakin si Vina, I failed her and her expectations" paulit ulit na sabi ko kay Edward
Napasubsob na ako sa aming lamesa at muntikan pa akong matumba ng biglang may sumalo saakin
"Vina?" Habang tinitignang mabuti ang kanyang mukha
Nawala ang tama ng alak sa aking katawan ng makita ko ang mga mata niyang lumuluha
"Baby I'm sorry" muling pagtawag ko sakanya ngunit nakaalalay parin siya saakin habang patuloy sa pag iyak
"I'm okay Perdee just please get up and we'll go home" sabay alalay niya saakin
"Please drive for us i need to take him home" sabi ni Vina at abot ng susi ko kay Edward
Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan ko habang minamaneho ni Edward ang kotse ko
"Love, I'm so sorry i know galit ka saakin pero please hear my side" pagmamakaawa ko sakanya
"No Perdee hindi tayo magkakaintindihan dahil lasing ka we'll talk again tomorrow and also gabi na i need to prepare for my final demo teaching tomorrow" she said without looking at me
At nang makarating na kami sa tapat ng aming bahay ay inihatid na ako ni Vina hanggang labas
"Look Perdee umayos ka dahil baka magalit sila Tito Leon kapag nakita kang ganyan" paliwanag niya habang inaayos ang kwelyo ng uniporme ko
"I'm already sober love please let's talk" pagmamakaawa ko muli
"Okay fine i will just explain to you this very important thing, drink this first" sabay abot niya saakin ng bote ng tubig " i talked to your prof earlier ayaw mo raw papuntahin ang parents mo dahil kaya mo naman daw so ang gagawin mo lang is to make up everything, please study your exam bibigyan ka nila ng bagong set ng exam at magpapasa ka ng mga bagong plates that's all at bibigyan ka nila ng chance na makagraduate, please do this for yourself love" sabay halik niya saaking pisngi hindi na niya ako hinayaan pang magpaliwanag dahil pumara na agad siya ng tricycle upang makaalis sa harapan ko.
I promise Vina i will tell you everything tomorrow pagtapos ng Final Demo mo.
Kring kring kring
Kinaumagahan ay nagising ako sa tawag saakin ni Daddy
"Perdee this is Doctor Manansala your dad's personal doctor i want to inform you that your Dad suffers from a mild stroke he is currently staying here in Emory Hospital he needs to undergo theraphy to help him move his arms and legs"
"Okay doc, i will book a flight in two days i just need to process my papers here first thankyou for letting me now" i ended the call
Damn! I really need to tell Vina everything, mas lalong wala na akong chance na maka graduate ngayon dahil ganito nga ang nangyari kay Dad hindi pwedeng unahin ko ang lahat ng ipapasa ko sa school kaysa sa karamdaman ng daddy ko.
Nag-book agad ako ng flight in two days from now para makaalis ako as much as i want to go to US with Vina ay hindi naman pwede dahil sa graduation nila. For sure naman na sa mismong araw ng graduation niya ay makakabalik ako at mapapanood ko man lang siya.
Nagdrive ako patungo sa school na pinagtuturuan ni Vina para mapanood at masuportahan ko siya sa Final demo niya ngunit ng masulyapan niya ako sa gilid ng bintana ng classroom ay agad sumama ang kanyang tingin saakin at nauutal utal siya kaya mas minabuti ko na lamang na maghintay sa shed dito sa garden ng school.
I will tell you everything now my love.

YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...