CHAPTER 54

12 3 0
                                    


Pissed

PERDEE'S POV

Kanina ko pa pinipilit ihatid si Vina pauwi sakanilang teachers camp pero para lamang akong nakikipag usap sa hangin dahil hindi man lang niya ako lingunin.

"Vina kahit hindi tayo mag usap sa sasakyan ko basta maibatid lang kita kahit malapit lang yun ay gabi na masyado ng delikado"pamimilit ko pa sakanya

"Okay sige kunin mo na ang sasakyan mo" iritadong sabi niya siguro ay dahil nakukulitan na saakin

"Yes! Okay I'll be here in a second" agad akong tumakbo patungo sa sasakyan ko

Nang makabalik ako kung saan ko iniwan si Vina ay parang bulang naglaho ito sa kanyang pwesto sa pag aalala ko ay bumaba ako ng sasakyan ko at hinanap ko siya sa paligid, naghintay ako ng isang oras sa waiting shed sa pag aakalang baka bumalik siya sa loob ng school

"Sir, sino pong hinihintay mo? Naka time out na po lahat ng teachers dito" sabi ni manong guard

"Ah manong napansin mo po ba yung bagong teacher niyo?" Tanong ko

"Ah si Ms. Villa po ba? Pumara na po ng tricycle dito kanina sir mukhang nagmamadali nga po e" sagot niya

Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sigurado ako na sinadya ni Vina na paalisin ako upang makatakas siya saakin.

Pagod na pagod ako ngayong araw dahil sa dami ng inasikaso ko, inaasahan ko na si Vina lang ang magiging pahinga ko ngunit isa lang din siya sa nagdagdag ng pagod sa buong katawan ko.

Kinabukasan ay nagluto ako ng almusal para kay Vina siguro ay tatanggapin niya ito kapag inutos kong muli sa mga bata sa school kaya ganun nalang ulit ang aking gagawin. Nang makarating ako sa school ay agad kong tinawag si Alexis upang utusan na iabot muli ito kay Vina

"Oh boss kay Ms. Vina ulit?" Tanong niya agad

"Oo alexis ganun ulit sasabihin mo ha" at agad akong nagtago sa labas ng classrom nila Vina para hindi niya ako makita

Maya maya lang ay kitang kita ko na hinahanap muli ako ng paningin ni Vina laking gulat ko ng ipamigay niya ang mga niluto ko sa mga estudyante sa harapan niya magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko dahil hindi man lang niya nakain ito pero masaya naman dahil hindi nasayang ang pinagpaguran ko.

—————————————————————

"Anak bibista lang kami ng Mommy mo kay Tito Leon mo dahil nagtatampo na sila doon busy daw tayo masyado na hindi na natin kayang dumalaw sakanila" paalam saakin ni Daddy

"Okay daddy baka po susunod nalang ako sainyo dun pag may time na po ako" sagot ko naman

"Anak kamusta na kayo ni Vina? Naipaliwanag mo na ba?" Tanong saakin ni Daddy nasabi ko na sakanya lahat mula ng magkita kami ni Vina dito

"Umiiwas parin po siya saakin Dad"

"Just give her time anak nagulat lang yun dahil kay Catie akala niya siguro ay totoo" sabay tawa ni Daddy.

"Aalis na kami anak just call me kapag may emergency"

Pinilit kong tandaan kung bakit nagalit si Vina ng makita niya kami ni Catie sa harapan ng gate ng resort pinag usapan lang naman namin na lalayuan niya na ako at babalik na siya sa US humingi siya ng patawad saakin dahil sa mga inasta niya nung mga nakaraang araw. Pinatawad ko na siya ngunit sinabi ko sakanya na isang beses niya pang gawin yun ay kalimutan niya na na magkakilala kami.

Malapit ng matapos ang resort na pinapagawa ko, naisip ko narin na kung sakaling magkaka ayos kami ni Vina ay hindi ko na papalampasin ang panahon at agad akong magpopropose sakanya.

Ngayon ay inagahan ko talaga ang aking gising dahil gusto kong sa teacher camp mismo maghintay kay Vina para wala na siyang choice kundi sumabay saakin.
5am palang ay nandito na ako dahil sigurado naman ako na paglipas ng isang oras ay papalabas na siya at hindi nga ako nagkakamali dahil pagtingin ko sa harapan ng aking sasakyan ay kitang kita ko na si Vina na agad nag iwas ng tingin sa aking sasakyan

"Goodmorning Miss Vina!! Present!" Pagbibirong sabi ko

"Morning" cold na pagsagot niya

"Ang lamig pala dito Miss tara sakay kana sa sasakyan ko" pang uuto ko sakanya

"Nilalamig ka pala e bakit hindi ka pa sumakay sa sasakyan mo" pamimilosopo niya pero kitang kita ko na natatawa rin siya saakin

"Hindi tayo aalis dito Miss kapag hindi ka pa sumakay" at yun kakapilit ko ay pumayag siya binuksan ko ang front seat ngunit sa likod siya sumakay.

"Napahiya ako dun Miss ha" pagbibirong sabi ko

"Tara na malelate na ako" natatawang sabi niya

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Vina na agad niya ding sinagot "hello, yes Dio talaga ba? Susunduin mo ko bukas? Okay see you! Imissyou!" Pag iinarte pa ng boses niya

"Dio? That's you classmate before right?" I asked her

She just nodded because she's busy texting

Now I'm pissed.

Spring ApartWhere stories live. Discover now