Frustration
PERDEE'S POV
Pinipilit ko na iiwas ang aking paningin kay Vina kanina noong nagtatanong siya kung may problema ba saaking acads naalala ko ang nangyari kanina
....
Buong madaling araw ay hindi ako nakatulog dahil pinilit kong matapos ang aking mga plates ngunit sa sobrang pagod ko ay nakatulog agad ako at ng magising ako kay 6am na minadali ko ang aking kilos ngunit late parin ako dahil nakarating ako sa aming school ng 7am. Hindi ko rin natapos ang dalawang plates dahil gulong gulo ang utak ko mula nung tumawag si Mommy
"Sir I'm sorry po hindi ko natapos yung dalawang plates pwede po bang ipasa ko mamaya bago mag uwian pipilitin ko pong tapusin sir" pagmamakaawa ko sa aming prof
"Mr. fuerte i already gave extension for that plates until now hindi mo parin pala natatapos, i'm sorry pero hindi na kita mabibigyan ng chance dahil magiging unfair iyon sa iba, i will deduct this to your points"
"Sir please just give me another chance" pag mamakaawa ko ulit
"Mr. Fuerte napakatagal na ng project na yan since christmas break niyo pa, january na ngayon at ilang buwan nalang ay gagraduate na kayo i can give you consideration by now pag naulit pa ito pasensyahan nalang, don't forget that you're running for suma cum laude" sabay talikod saakin ni sir
"Sir, thank you po i promise hindi na po mauulit, dadalhin ko nalang po sa faculty niyo mamaya" sabay yuko ko dahil sa sobrang hiya sa last chance na ibinigay niya saakin.
Dali dali kong ginawa ang dalawang plates na hindi ko parin natatapos ramdam ko na ang buong ng aking katawan at isip pakiramdam ko kaunti nalang ay bibigay na ako pero palagi kong naiisip ang pangarap namin ni Vina kaya nagpupursigi ako. Natapos ko naman ang aking plates at ipinasa agad sa aming prof nagmamadali rin ako dahil susunduin ko si Vina.
Kring kring kring
"Dad" paunang bati ko
"Anak help me i already know the plans of your mom, alam mo naman na kahit magkahiwalay kami ay hindi ko kayang pumirma sa divorce paper na yun dahil tanging kasal nalang ang pinanghahawakan ko" naiyak na sabi ni daddy
"Dad, i'm sorry, wala po akong nagawa para pigilan si mommy pero susubukan ko po ulit after I graduate this march pupunta po ako sa US para makausap ko siya at baka sakaling magbago ang isip niya" sabi ko habang naiiyak rin
"Pasensya na anak dahil nadadamay ka pa sa problema namin ng mommy mo hindi ko lang talaga siya kayang hiwalayan" dagdag pa ni dad
"Opo dad naiintindihan ko po.Mauuna na po ako dahil susunduin ko pa po si Vina" pag papaalam ko
—————————————————————
Kanina habang nandun ako sa bahay nila Vina ay sinabihan ko siya na kainin lahat ng mga masustansyang pagkain dahil napapansin ko rin ang pagbagsak ng kanyang katawan dahil din siguro sa puyat na pinagdadaanan namin.Humahanap lang ako ng tyempo na masabi kay Vina ang problema ko pagkatapos ng lahat ng ito dahil ayokong intindihin niya ang pinagdadaanan ko sa pamilya ko.
Naghahanda na ako para sa aming finals, sila Vina ay hindi na raw mageexam dahil sa practice teaching nila.Kahit anong basa ko saaking mga reviewer ay walang napasok sa utak ko.
Beep*
"Go baby! Review well sayang hindi kita masamahan dyan ngayon kasi nagawa ako ng mga activities para sa mga bata e kayang kaya mo yan i believe in you i love you" ang laman ng text saakin ni Vina
Siya nalang ang tanging pang pakalma ko lalo na at nakakastress lahat ng nangyayari.
I try to browse my fb and then i saw some of my relatives post about the meeting in our company in US earlier.
I cannot believe the picture that i saw it is my mom and his business partner with a caption of
"Business partner or partners in real life?"
I nervously get my phone and dialed my mom's number
"Mom what is the picture all about? Huh? Is that the reason why you want to file a divorce paper with dad?!" Sigaw ko sa sobrang frustration
"What about that picture anak? Its just me and your tito kael i don't do anything" pagpapaliwanag niya
"No mom! I can't believe you! I swear if you continue your plan i promise you wont see me again and don't ever treat me as your son" sabay patay ko sa tawag.
Ngayon lang ako umiyak ng ganito sa buong buhay ko, noon ay masaya ako kahit na alam kong hindi maganda ang samahan nila dad dahil lang sa "tiwala" na nawala. Tiwala ni Lola sa daddy ko, si Lola ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay dahil hahayaan niya na maghirap si Mommy kapag sumama ito kay Dad.
Si Vina nalang ang tanging sandalan ko sa ngayon kaya madaling araw na ay nagpunta ako kala Vina para lang maramdaman ko na may karamay ako
"I'm sorry love" sabay yakap ko sakanya habang sinasalubong niya ako sa kanilang gate
"Bakit anong nangyari? Akala ko ba nagrereview ka? Atsaka bakit ka nahingi ng sorry?" Naguguluhang tanong niya
"I'm sorry kasi hindi kita matulungan gumawa ng activities for your students" pagsisinungaling ko kahit na ang gusto kong sabihin ay i'm sorry dahil ang hina ko para sayo, ang dali kong bumigay sa mga problema
"Ano ka ba ayos lang yun love, di mo kailangan gawin lahat ng yun kasi kaya ko naman atsaka mamaya kahit wag mo na akong sunduin kasi may mga tricycle naman dun go get yourself a break love, pagkauwi mo galing school for sure pagod ka dahil sa exam kaya matulog ka nalang ha" sabay hawi niya saaking mga buhok
Tango nalang ang tanging naisagot ko kay Vina
Kung pwede lang sana na itulog ko na ang lahat ng ito baka sakaling pag gising ko mawawala na ang lahat pero hindi e, yung pagod ko ay emotionally and physically.
—————————————————————
Kahit antok na antok pa ako ay pinilit kong bumangon kinabukasan dahil ngayon ang exam ng aming finals.
Unang kita ko palang sa test paper na nasa harapan ko ay para na akong mahihimatay sa dami ng isosolve na formula at kung ano ano pa. Wala ito sa mga nabasa ko kagabi kaya ngayon ay hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan nakikita ko ang ilan sa aking mga kaibigan dito na nagpasa na dahil mga tapos na halos lima nalang kaming naiiwan dito saaming classroom at isang oras na ang lumipas ay hindi parin kami tapos hanggang sa
"Perdee gusto mo bang kumopya? Oh eto bilisan mo habang nakayuko si sir" Sabay angat ng papel ni Edward
Alam kong wala ng pag asa na masagutan ko ito kaya no choice ako kundi tumingin sa papel niya ngunit huli na ang lahat
"Mr. Fuete go to my office now" sabi ni Prof
Damn
"I didn't expect you to come up with that idea of cheating mr. fuerte! I dont think you deserve to have a title this school year ano bang nangyayari saiyo? Lahat ng activities ay hindi mo naipapasa on time, lahat ng quizzes and practical exam ay hindi mo naipapasa at ngayon sa finals ay nangongopya ka! May i remind you iho na your grades are getting low hindi lang sa subject ko pati narin sa iba!" Sigaw saakin ng prof ko
"I'm sorry sir, if you're giving me a low grade i will accept it wholeheartedly alam ko pong nagkamali ako" pag amin ko sa kasalanan ko
Wala akong balak sabihin kahit sa Prof ko ang dahilan ng unti unting pagbagsak ko dahil kahit sabihin ko naman sakanya ay wala namang magbabago.
Bagsak ang aking katawan habang nakayuko at umiiyak sa manibela ng aking sasakyan. Susunduin ko si Vina yun ang huling nasa isip ko bago ako yumuko at nakatulog.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...