CHAPTER TWELVE

31 12 0
                                    

Priority

Pumasok na ako sa aking kwarto at nagbihis agad ng pambahay para makasalo ako kala papa sa pagkain

"Vina how's school?" Tanong saakin ni Papa

"Okay lang naman po pa, Nag exam po kami kanina" kalmadong sagot ko kay papa

"Mabuti naman kung ganun anak, sigurado naman ako na pagbubutihin mo yan" naka ngiting sabi saakin ni Papa

"Siguraduhin mo lang Vina dahil hindi ko magugustuhan kung sakaling babagsak ka diyan, sino nga pala yung kasama mong lalaki kanina? Nagtatakang tanong ni Mommy

"My, kaibigan ko po si Perdee, pinsan po siya ni Lei" nakayukong sabi ko

Mula noong nagkaroon ako ng bagong cellphone na galing kay Perdee hindi ko na sinabi kay mommy dahil hindi rin naman mahalaga sakanya ang mga ganung bagay lalo na at hindi konektado sa pag-aaral ko.

"So Perdee is his name, he looks good huh" good mood ata itong si mommy ngayon ah

Nagpasya nalang ako na pumunta saaking kwarto at mag ayos ng iilang gamit ko sa aking bag. Tapos na ang exam namin kaya paniguradong hindi na kami gaanong busy sa mga susunod na araw hanggang sa

Beep*

Tumunog ang aking cellphone at nakita kong may nagtext

Unknown Number

Hi perdee here, just wanted to ask if aattend ka sa mini-concert tom? Anyway i got your number from Lei

Agad akong napatalon sa aking kinauupuan sa sobrang gulat ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko bakit parang excited ako sa hindi ko malaman na dahilan

Ako: Siguro pupunta ako kung kasama sila Yva and Lei. Ikaw?

Wala pang isang minuto ay nagreply agad ako, siguro marami tong ka text-mate

Perdee: Pupunta ako kung pupunta ka :-) kung okay lang?

Ako: Sure see you tom :>

Agad akong pumunta sa aking cabinet at naghanda ng magandang damit na pwede kong isuot bukas, di naman siguro mahahalata ni Perdee na nagpapaganda ako sa harap niya e tsaka para narin presentable ako sa harapan ng ibang tao for sure maraming tao doon bukas.

Di ko alam kung excited ba akong umattend sa mini concert o ang makita si Perdee?

Spring ApartWhere stories live. Discover now