4th
Natapos ng maayos ang hapunan namin umuwi din agad ang mga magulang ni Perdee at hindi na sila naghintay pa ng countdown nag paiwan si Perdee dito saamin dahil gusto niya daw na magkasama kaming salubungin ang pasko.
Isang taon narin kami ni Perdee sa ilang minutong natitira, napakabilis ng panahon parang kalian lang ay sabay pa kaming nagco-countdown at heto kami ngayon na nakatayo muli at sabay na sasalubungin ang pasko, ang pinaka memorable na araw ng buhay ko
10,9,8,7,6,5,4,3,2,1
"MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!" pagbati saamin ni Mommy at hinalikan kami sa pisngi
Dahil isang taon na kami ngayon ay naghanda rin ako ng regalo na magiging mahalaga kay Perdee at alam kong magagamit niya talaga.
Isa itong mamahalin na personalized ballpen na may nakatatak na Engr. Perdee Fuertes hindi ako makapag intay na maibigay ito sakanya kaya naman
"love close you eyes ako naman ang may regalo sayo" sabi ko kay Perdee na ikinagulat niya
"love bakit nag abala ka pa, ayos lang naman kung wala e" pangangatwiran niya
"sige na close your eyes na" sabi ko ulit at sinunod niya naman agad
Dali dali kong kinuha ang hawak kong case na may lamang ballpen na regalo koMinulat ni Perdee ang kanyang mata at napa awang ang kanyang bunganga ng makita ito "wow! Ang ganda nito love" sabay yakap niya saakin at nakita ko na nangingilid ang kanyang luha "iingatan ko talaga to love" sabay yakap niya ulit saakin
"pero gusto ko gagamitin mo lang yan kapag engineer kana ha gusto kong makita na habang pumipirma ka ng mga malalaking project na gagawin mo ay ayan ang gamit mo" sabay ngiti ko sakanya.
"As you wish my love, hindi mo na siguro kailangan pumikit para makita agad tong regalo ko" sabay kuha niya sa envelop na nasa likod ng lamesa
At ayun na naman ang isang engineering plates sa harap ko, hinding hindi ako magsasawa na tumanggap ng ganitong regalo mula sakanya. Dali dali ko itong binuksan na para bang unang beses ko palang makatanggap nito. Nakita ko agad ang drawing ng isang lalaki at babae na nakaupo at nakatingala habang ang lalaki ay nakaturo sa mga bituin parang ganito rin ang nangyari saamin noong nagdate kami sa heritage park.
May nakasulat sa ibaba nito na "LOVE IS THE ONLY WORD TO DESCRIBE YOU AND ME" at nandun na naman ang isang capital letter "L" sa taas neto.
"grabe love hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya sa regalo mong ito" sabay yakap ko sa drawing niya "hinding hindi ko ata kayang kalimutan ang mga masasayang nangyari satin dahil lahat ay dinrawing mo" nangingilid na ang luha ko habang nakatingin sakanya.
"diba sabi ko naman sayo love gagawin nating memorable lahat ng First natin" he assured me with his word
"I love you Perdee. I love you I love you I love you" paulit ulit na sabi ko sakanya
"I love you more" he kissed me.
My first kiss
Nandito parin kami sa may garden namin dahil nagdesisyon kami na tumambay sandali. Gustong gusto ko ng magtanong sakanya tungkol sa mga magulang niya pero natatakot ako nab aka magalit siya sakanila kung malalaman niya na nagpapanggap lang ito sa harapan niya.
"sobrang saya ko ngayon dahil naging okay na ulit si Mom and Dad, akala ko dati hindi na kami babalik sa dati mula nung maghiwalay sila pero nung makita ko na sabay silang dumating kanina halos lumabas yung puso ko sa sobrang tuwa e joke!" sabay tawa niya pero nakikita ko parin ang kalungkutan sa mga mata niya
"naisip ko din noon na hinding hindi ko hahayaan na maranasan ng magiging anak ko ang ganitong pamilya na mayroon ako, sinabi ko rin sa sarili ko na isang babae lang ang mamahalin ko at isasama ko hanggang pagtanda" sabay tingin niya saakin at ngumiti nakikita ko kung gaano niya ako kamahal kahit hindi niya sabihin dahil ang mga mata niya ang nagsasabi nito
"you know what love" pagtawag ko sakanya "the most beautiful art is looking into someone's eyes when they talk about the things they love. I love you always ipangako mo saakin na kakayanin natin lahat ng pagsubok na darating satin ha? Walang bibitaw" I said to him.
"I can't promise you a perfect relationship without arguments but I can promise to you as long as were trying I'm staying" he said in a very sincere tone.
YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...