Shy"Hoy grabe yun Vina ha bakit nakita ko kiniss ka ni Ulap sa noo? Anong sinabi mo sakanya? Yiee ikaw ha gusto niyo pala kayong dalawa lang" pangungulit saakin ni Lei
"Vina tignan mo oh nakuhanan ko kayo ng picture ni Perdee kanina, grabe parang isa kayo sa mga couple na nandun bagay talaga kayo" sabay abot niya saakin ng cellphone niya kitang kita ko doon kung paano hinalikan ni Perdee ang noo ko.
"Perdee bilis akin na phone mo airdrop ko sayo to" sabay kuha ni Lei sa hawak na cellphone ni Perdee
Napansin ko na parang balisa si Perdee sa pagkakatayo niya sa tabi namin kaya naman nagyaya na akong umalis sa grounds
"Perdee okay ka lang ba?" tanong ko sakanya habang naglalakad siya sa tabi ko, samantalang nauuna naman sa paglalakad si Yva at Lei
"Nahihiya ako sayo pakiramdam ko masyadong mabilis yung pag-amin ko baka isipin mo na hindi ako seryoso kanina" sinabi niya ng hindi nakatingin saakin
Tumango nalang ako bilang sagot sakanya
Bakit parang mas nahihiya ako? Kasi wala naman talaga sa plano ko na umamin kanina sinamantala ko lang talaga yung magandang moment mas romantic tignan e. Natatawa nalang ako sa sariling isip ko.
Never pa talaga akong pumasok sa isang relasyon. Bakit? Kasi inaasahan ako palagi ni mommy na maging seryoso sa aking pag-aaral, at isa pa gusto ko ang ginagawa ko kailan man ay hindi pumasok sa isip ko ang magbulakbol.
"Vina sabay nalang kayo ni Perdee may dala naman yan na sasakyan pahatid ka nalang sakanya ha, isasabay ko nalang si Yva sa sasakyan ko" sabay halik niya sa pisngi ko.
Gusto ko pa sana tumanggi kaso alam ko naman na magkakasundo sila ni Yva na iwanan nalang ako.
"Vina, my car is parked near the coffee shop just wait for me here I'll get my car"
"no, sasabay na ko sayo dun few step away lang naman yun" ngiti ko sakanya
"okay if that's what you want ayoko lang naman na mapagod ka pa" with his concern eyes
"oa mo naman malapit lang yun no, tara na anong oras narin" sabay tingin ko saaking relo, kampante ako ngayon dahil alam naman ni mommy ang dahilan kung bakit ako gagabihin.
He chuckeled "I'm sorry anyway baka gutom kana we can buy some snacks sa drive thru" sabay bukas niya ng front seat ng kanyang sasakyan.
"Busog pa ko e, pero kung gusto mo then go" sabi ko sakanya at inilabas ko ang aking cellphone para magcheck ng aking instagram.
Nagulat ako ng biglang lumapit si Perdee sa may harapan ko at inabot ang seatbelt ko upang ayusin yun "Seat belt Miss" then he chuckled again
Naaadik na ata ako tignan tumawa itong lalaking to ngayon ko lang din napansin ang dimples nito sa kanyang kanang pisngi. I find it very attractive.
Napatingin siya saaking cellphone at " Can i follow you there to check some updates from you" he said while driving his car, grabe ang swabe niya lang magmaneho kahit ata humps ay di ko mararamdaman
"Sure later" sabi ko sakanya dahil magdedelete muna ako ng mga jejemon pictures ko sa aking instagram.

YOU ARE READING
Spring Apart
RomanceViel Ceana Villa her name says it all. A girl with a dreams, A girl that every boy wants to have. But how come that her very own Mom doesn't seem to support her passion? Will her dreams can be possible with the help of her family or with the suppor...