CHAPTER 33

11 7 0
                                    

VINA'S POV

Fallin

"Wag na Vina galing kami sa bahay at kakaalis niya lang dun pwede natin siyang habulin papuntang airport pero kailangan mo muna itong isuot" sabi ni Lei na kunwaring nag iiyak iyakan pa

"Teka anong gagawin ko dyan bakit kailangan nakaganyan pa! Bilisan na natin para maabutan natin siya" sabay ngisi ko kala Lei at Yva dahil nahahalata ko naman na umaacting na naman sila

Kasalanan talaga to ng pagsali sali namin sa mga role play namin noong highschool e, ginalingan masyado ng dalawang to.

Hindi ako napaniwala ng acting skills nila Lei dahil kanina ay nagtext pa saakin si Perdee na "Lei and Yva will pick you up there love, nasira yung sasakyan ko". Pero dahil ayaw ko naman na masayang ang effort nila sa pag iiyak iyakan ay nagpauto nalang ako ay sinuot din ang blind fold.

"Bilisan natin huhuhu baka di natin maabutan ang mahal ko huhuhu" pag iinarte ko

"Vina kapag hindi natin siya naabutan ay tanggapin mo nalang baka hindi talaga kayo para sa isat-isa" pagsabat naman ni Yva

Dahil naka blind fold ako hindi ko rin alam kung saan ba talaga ako dadalhin ng dalawang ito, napag usapan kasi namin ni Perdee na sa isang exclusive restaurant kami kakain. Naramdaman ko nalang na huminto na ang sasakyan siguro ay nandito na kami

"Teka Vina aalalayan kita, oh dito sa kaliwa, teka hakbang ka papuntang kanan mga tatlo, tapos hakbang ka mga 20 steps" magulong magtuturo ni Lei saakin sa daan

"Osige teka lang hindi ko makita" kunwaring pagpapanggap ko. Hindi na ako magtataka kung may surpresa sila para saakin kawawa naman si Perdee kung malalaman niya na may ideya na ako dahil halatang halata sa action nila Yva at Lei tsk tsk tsk.

"Okay were here open your eyes beshie" sabay tanggal nila saaking piring.

"WOW" ito agad ang aking unang nasabi sa sobrang gulat ko hindi ko inaasahan na ganitong supresa ang inihanda nila, hindi ito ang nasa ideya ko.

"Ang ganda! Ang ganda ganda!!" Halos maiiyak na ako habang sinasabi ko yan

Nilingon ko ang buong paligid na punong puno ng hindi ko mabilang na dami ng lobo. Paglingon ko saaking kaliwa ay nakita ko agad sila Mommy at Papa na may dala dalang cake at mga luxury gifts at ayun sa aking kanan naman ay sila Dio, twittle at ang mga artista na sila Yva at Lei.

"Happy birthday baby" sabay na bati saakin nila Mommy at papa

"Thank you po! Hindi ko po inaasahan na dadating kayo! Sabi niyo di kayo makakauwi e" naiiyak na sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa

Agad naman akong nakarinig ng strum ng gitara sa bandang unahan dahil may maliit na stage din silang ginawa hinahanap ko kung san nagmula ang tunog ng gitara at maya maya pa ay may narinig akong pamilyar na boses na kumanta

Oooh ohh yea
A little conversations

Perdee?

Spring ApartWhere stories live. Discover now