CHAPTER EIGHTEEN

26 11 1
                                    

White Roses

Maaga akong nagising para maglinis ng aming bahay nakakahiya naman kung dadating si Perdee mamaya at medyo magulo ang aming bahay

"Vina ikaw muna ang maglinis dito at mamimili ako sa palengke ng pwede natin ihanda sa bisita mo mamaya" sabi saakin ni mommy mas excited pa ata si mommy sakin na makita si Perdee mamaya hindi ko alam kung anong nakita ni mama kay Perdee at kung bakit magaan ang loob nito dito.

"Okay po my ingat po" ngiti ko sakanya

Unang una kong nilinis ang living room at sumunod naman ang dining area dahil doon kami kakain mamaya. Napatingin ako sa aking cellphone ngayon na may isang message

Perdee: Goodmorning kinakabahan ako mamaya pero pipilitin kong maging handa para hindi ka mapahiya. Eat your breakfast

Me: Wag kang kabahan excited pa nga si mommy na ma-meet ka e si papa nandito rin mamaya :)

Perdee: Oh! Really? I should prepare better.

Lei: hoy ikaw mare ha pupunta na pala dyan si Perdee sainyo mamaya! Ano to mamamanhikan na

Yva: balitaan mo kami kung kayo na ha aja!!

Natatawa ako habang binabasa ko ang mga text ng aking kaibigan, kitang kita ko kung gaano sila kasuporta sa aking lovelife.

Hapon na ngayon at konting oras nalang pupunta na dito si Perdee, nandito na rin si papa ngunit nagpapahinga pa ito tawagin ko na lamang daw siya kapag papunta na ang aking bisita

"Anak, ikaw ang maglagay nito sa lamesa, aayusin ko lang yung ibang pagkain na ihahain natin" sabay abot saakin ni mommy ng paborito kong caldereta

Pagkalagay ko ng ulam sa gitna ng lamesa ay umakyat ako patungo sa aking kwarto para mag ayos ng aking sarili at para magtingin kung may text na si Perdee saakin.

Naglagay ako ng kaunting lipstick at face powder sa mukha ng makatanggap ako ng text kay Perdee

Perdee: I'm on my way i'm shaking badly.

Kabadong kabado naman si Perdee hindi niya naiisip na hindi naman siya lalamunin ng mga magulang ko kapag nakita siya.

May narinig akong pumaradang sasakyan malapit saamin, alam kong si Perdee na ito dahil dalawang kanto lang ang layo ng bahay ko sakanila

Dali dali akong pumunta saaming gate at pinagbuksan ito.

His wearing a navy blue polo shirt and faded jeans with a white shoes I'm thinking of how many white shoes he have. Maybe it is his collection.

"Hi goodevening beautiful" sabay abot niya saakin ng bungkos ng white roses

"White roses for what?" Tanong ko sakanya dahil first time ko makatanggap ng ganito at kadalasan ay pula ang mga roses na nakikita ko

"For my love, purity and eternal loyalty" ngiti niya saakin

Gusto kong magpakain sa lupa sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

Perdee Perdee Perdee you really driving me crazy

"Can i court you?" Sabay sabi ni Perdee

Hindi ko alam ang isasagot ko sa ngayon abot abot ang aking kaba dahil hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay ang kilig na nararamdaman ko.

"Vina halika na pumasok na muna kayo dito sa loob" biglang singit ni mommy na nakadungaw sa aming pinto

Hay buti naman makakapag isip pa ako mamaya habang kumakain kami

"Okay po my susunod po kami" sabay hila ko kay Perdee ngunit bigla siyang bumalik sa kanyang sasakyan at may kinuha pang isang bungkos ng rosas.

"For your mom" ngiti niya saakin
"I think I pressure you, you can answer me later after dinner" at inayos niya ang kanyang tindig upang sumabay saakin pagpasok sa aming bahay.

Balak ata nito na ligawan pati ang pamilya ko.

Nakakakilig

Spring ApartWhere stories live. Discover now