CHAPTER TWENTY SEVEN

11 7 0
                                    


Jealous

Ito na ang huling linggo ng aming second sem, kailangan nalang namin kumpletuhin ang pirma ng aming mga clearance upang makapag bakasyon na kami, Magkakasama kami ngayon nila Yva at yung dalawang seatmate ko na si Dio at Twittle si Lei naman ay nakahiwalay saamin dahil sa building siya ng tourism. Una palang ay duda na ako dito kay Dio hanggang sa dumating ang araw na umamin siya saamin at sinabi niyang isekreto daw muna namin dahil hindi alam ng mga magulang niya.

"Hay nako mga dzai ang init init ditey ang jugal naman lumabas ng chararat na prof na yun" sigaw ni Dio agad namin tinakpan ang kanyang bibig dahil baka mapagalitan siya at baka may magsumbong

"easy ka lang kasi sis bakasyon na bakasyon kana ba?" sabat naman ni Twittle

"ay nako dzai kung alam mo lang nakabili na ako ng sampung pares ng two piece no" seryosong sabi ni Dio

"bakla ka para kang balyena pag nagsuot ka ng ganun" sabat naman ni Yva. Natatawa talaga ako sa mga ito isa sila sa mga dahilan kung bakit masaya at excited akong pumasok

"Teh! Wag mong hintayin na maging lalaki ako baka isa ka sa maglaway sakin" pagtataray ni Dio

"sige nga kunwari lalaki ka umacting ka nga sa harap ni Vina" paghahamon ni Yva

"yun lang pala e tara dito Vina babes" paghila saakin ni Dio at parang sukang suka pa siya sa tinawag niya saakin

"game Dio galingan mo ha kunwari babanat ka" sabi ko habang natatawa

"hi! Girl you just caught my eye, thought I should give you a try to get your name and your number" pagsasalita ni Dio agad akong natawa dahil naisip ko na isa ito sa theme song ng Jamich na "You and I"

"ang baduy mo bakla halika na nga rito tigil tigilan mo yan di bagay" paghila sakanya ni Twittle at Yva

Saktong pagtingin ko sa aking gilid ay nakita ko si Perdee na nakatingin saamin ngunit bigla itong tumalikod at naglakad papalayo

"Yva catch" sabay bato ko ng clearance ko "ikaw na muna bahala dyan susundan ko lang si Perdee" sabay takbo ko papalayo sakanila

"Perdee!" tawag ko sakanyan habang natakbo

"Ulaapppp!" sa pangalawang pagkakataon

"Loveeeee!" at ayun bigla siyang lumingon habang nasa tapat na siya ng sasakyan niya ngunit imbes na ako ang magtanong kung okay lang siya ay bigla siyang lumapit saakin sabay kuha ng bote ng tubig sa kanyang bag

"Love bakit ba naman kasi tumakbo ka, nagseselos lang ako pero hihintayin parin kita dito sa sasakyan" sabay abot niya saakin ng tubig "wag mo ng uulitin yun ha, hayaan mo na ako lang ang maghahabol sayo" with his concern eyes

Looooord! Bakit ba napakaswerte ko sa lalaking ito? Hindi ko ata kayang magalit dito dahil hindi ako papatulugin ng konsensya ko kung mangyayari yun. Pero teka nagseselos daw siya? Saan? Kanino?

"love, okay lang ako, saan at kanino ka naman nagseselos?" tanong ko sakanya

"doon sa lalaki na kasama niyo nila Yva love" sabay yuko niya

Natatawa ako sa aking sariling isip ng napagtanto ko na si Dio ang pinagseselosan niya, pero paano ko ba ipapaliwanag kung ang gusto lamang ni Dio ay manatiling sikreto namin yun? May tiwala naman ako kay Perdee pero gusto ko munang ipaalam kay Dio

"bakit ka naman magseselos dun love? E kay Twittle na yun no!" sabi ko sakanya na ngayon ay namumula na ang mga mata na parang naiiyak na

Oh my soft baby!

"love bakit sabi niya "try to get you name and your number daw?" natatawa ako dahil hindi ata naisip ni Perdee na sikat na kanta yun

"hay nako love kahit iharap pa nila saakin lahat ng klase ng lalaki ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko promise yan" sabay taas ko ng aking kamay sign ng aking pag p-promise

"I love you more Vina" sabi niya saakin at pinagbuksan ako ng front seat ng kanyang sasakyan

Ganyan si Perdee mas gusto niyang sabihin ang salitang I love you more dahil sabi niya saakin ay dapat mas mahal niya ako.

*check multimedia*

Spring ApartWhere stories live. Discover now